Vilma Santos meets son Luis Manzano's rumored new GF Jessy Mendiola

IMAGE Facebook photo from Vilma Santos

A photo from Facebook shows that Jessy Mendiola and Lipa City Rep. Vilma Santos have already met. Jessy is being romantically linked to Ate Vi's eldest son, TV host-actor Luis Manzano.


Nagkita at nagkakilala na ang Star for All Seasons at Lipa City representative na si Vilma Santos at ang nauugnay ngayon sa anak nitong si Luis Manzano, si Jessy Mendiola.

Ito ay kung pagbabasehan ang mga larawang ipinost sa Facebook page ni Vilma, bagamat walang pagtukoy kung official account ito ng actress-politician.

Sa nasabing mga larawan ay may dalawang babae na nagpakuha ng larawan kasama sina Vilma, Luis, at Jessy sa loob ng isang bahay.

Wala ring pagkakakilanlan kung kanino ang bahay at sino ang dalawang babae.

Pero ang malinaw, nagharap at nagkakilala na sina Ate Vi at Jessy.

Tila kumpirmasyon din itong may espesyal na ngang namamagitan kina Luis at Jessy dahil ipinakilala na ng TV host-actor ang aktres sa kanyang ina.




Naging usap-usapan kamakailan ang pag-amin nina Luis at Jessy na lumalabas sila at nanliligaw ang TV host-actor sa aktres.

Read: Luis Manzano refuses to give details about real score with Jessy Mendiola

Read: Jessy Mendiola finally opens up about relationship with Luis Manzano

Mas naging mainit ang usapin nang magbigay ng reaksyon si Angel Locsin, dating girlfriend ni Luis, sa pag-amin ng Minute To Win It host at Jessy na nagdi-date sila.

Read: Angel Locsin on Luis-Jessy romance: 'Kung ine-enjoy nila yung moment na yun, e, di good job!'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN