Geoff Eigenmann on his return to ABS-CBN: "Nothing official as of now."

IMAGE Rose Garcia

Geoff Eigenmann when asked if his relationship with singer Maya is 'worth the wait': "Well, things like that, you don't look for, you don't wait, really. It just happens. Most of the unexpected things are the best one."


Wala pang detalyeng masabi si Geoff Eigenmann kaugnay ng pagbabalik niya sa ABS-CBN.

Ipinapaubaya na raw niya sa kanyang manager na si Perry Lansigan ang pakikipag-usap pagdating sa kanyang career.

Pero dahil napapanood siya ngayon sa morning teleserye ng ABS-CBN na Be My Lady, na pinagbibidahan nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga, marami ang nagsasabing Kapamilya na siya ulit.

Ngunit ayon kay Geoff, “Nothing official as of now but, yeah, I’m guesting. Part ako ng cast ng Be My Lady ngayon.”

Ilang taong nagtrabaho si Geoff sa ABS-CBN bago siya lumipat sa GMA Network noong 2009.

Ngunit ngayong 2016 ay muli siyang napapanood sa Kapamilya network.

Kumusta ang pagbabalik niya sa ABS-CBN?

Saad ng aktor, “It’s fun, like sa Be My Lady, ramdam ko na yung bond na meron sila.

“Like, they’re taping the show for quite a while now, so naramdaman ko na ang bond nila kahit noong first day pa lang ng taping.

“I can say na family talaga sila.

“At saka masaya, they’re always laughing on the set.

“Masaya rin siya dahil walang mabigat na eksenang ginagawa.”

Hindi ba siya nahirapang makapasok sa “bonding” na mayroon ang cast?

Sagot ni Geoff, “Hindi naman.

“Some of the people na part ng cast, I saw them growing up kasi, friends ng friends ko.

“Yung iba naman nakatrabaho ko na before, like si Daniel [Matsunaga] sa Grazilda.

“One of the directors, si Direk Dick Lindayag, nakatrabaho ko na.

“Okey naman at nakilala ko naman sila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Geoff sa block screening ng pelikulang Ma’ Rosa sa Podium Cinema noong nakaraang linggo.

Sponsored ang nasabing block screening ng PPL Entertainment Inc, kung saan kabilang si Geoff.

SLIMMER GEOFF. Bakit pinili niyang maging Kapamilya muli kaysa manatiling Kapuso?

“They’re the one who had an offer basically,” tugon ni Geoff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapansin-pansin din na pumayat na si Geoff. Preparasyon ba niya ito sa kanyang pagbabalik-Kapamilya?

Paglilinaw ng aktor, “Hindi naman, I guess para na rin sa ikabubuti ng sarili.

“Ever since naman, kapag wala akong ginagawang masyado, I always make it a point to workout.

“I guess, eto, bumabalik lang.”

GEOFF’S LOVELIFE. Natawa naman si Geoff nang kamustahin namin ang love life niya.

Ang girlfriend ni Geoff ngayon ay ang singer na si Maya, na kasamahan din niya sa PPL.

“Yeah, very happy,” sambit ng aktor.

Ano ang mga katangian ni Maya na nagpa-in love sa kanya?

“We hang out, we’re friends, we got to know each other... things fell into place,” sabi niya.

Ano ang pinaka nagustuhan niya rito?

“Marami… I’m always a sucker for singer,” sagot ni Geoff.

Matagal-tagal din siyang naging single mula nang magtapos ang relasyon nila ni Carla Abellana.

Pero hindi siya nagpakita ng pagmamadali o pagkainip na magkaroon ng bagong girlfriend.

Masasabi ba niyang ‘worth the wait’ kung anumang namamagitan sa kanila ngayon ni Maya?

Tugon ni Geoff, “Well, things like that, you don’t look for, you don’t wait, really. It just happens.

“Most of the unexpected things are the best one.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN