Bea Alonzo clarifies rumor linking her to Paulo Avelino

IMAGE Noel Orsal

Bea Alonzo on rumor linking her to Paulo Avelino: "Bakit ko naman idi-deny, e, single naman ako? Magkaibigan talaga kami. I'm very much single."


Iginiit ng Kapamilya actress na si Bea Alonzo na magkaibigan lamang sila ng nali-link sa kanya ngayong si Paulo Avelino.

Pero ano yung balitang sumunod daw sa kanya si Paulo sa Singapore?

Paglilinaw ni Bea, “Hindi, nasa Bangkok ako nun, kasama ko yung cousin ko.

“Pauwi na ako the next day ng Manila.

“Si Enchong [Dee], pupunta ng Guam from Manila, pero hindi siya natuloy.

“So, tumawag siya, ‘Bey, kesa umuwi ka ng Manila, punta na lang tayo ng Singapore.’

“Kasi, two hours away lang ang Bangkok to Singapore.

“So, kinansel ko yung flight ko pabalik ng Manila, I went to Singapore alone.

“So, ini-enjoy ko, di ba?

“Tapos sumunod si Tita Monch [Navales, Bea’s handler] at Enchong kaya dun kami nag-meet.

“Tapos nalaman ko, nandun din si Pau.”

Hindi sila nag-usap ni Paulo na magkita sa Singapore?

“Hindi, a!” mabilis na tanggi ni Bea. “Itanong niyo pa si Enchong.

“At saka, bakit ko naman idi-deny, e, single naman ako?

“Magkaibigan talaga kami.”

Diin pa ni Bea, “I’m very much single.”

BEA IS SINGLE. Walong buwan na raw single ngayon si Bea.

Pero kahit nag-break sila ni Zanjoe Marudo, binigyang-diin ng aktres na magkaibigan pa rin sila ng dating boyfriend.

Aniya, “Never naman kaming hindi naging friends.

“It ended well. Never kaming nag-away.

“Kaya until now, magkaibigan kami.”

Hindi na ba sila puwedeng magkabalikan?

“Hindi ko alam, e. Ngayon kasi, talagang magkaibigan kami,” sagot ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN