Sunshine Cruz gives update about Dick Israel

IMAGE @sunshinecruz718's Instagram

Actress Sunshine Cruz, along with Ynez Veneracion, visits veteran actor Dick Israel and gives update and good news about the actor's situation.


Nagbigay ng update si Sunshine Cruz tungkol sa kalagayan ng beteranong aktor na si Dick Israel, na nakilala sa pagiging kontrabida at sidekick ng mga sikat na action stars.

Nitong weekend, nag-post si Sunshine sa Instagram ng larawan kung saan kasama niya si Dick.

Binisita ni Sunshine ang aktor kasama ang kapwa aktres at kaibigan na si Ynez Veneracion.

Sa caption, nagbigay ng update si Sunshine tungkol kay Dick.

Aniya, may tirahan na ang aktor at magiging regular na ang therapy nito.

“May tirahan na po s’ya. Marami pong artista ang nagpapaabot ng tulong kay Kuya Tats. Let's pray na tuloy-tuloy na po ang recovery nya. Magiging regular na din ang pag therapy sa kanya kaya tiyak lalakas na po sya. Btw, he had his haircut yesterday.”

Nice to see you Kuya Tats ??

A photo posted by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

Nitong simula ng Hulyo, naibalita ang tungkol sa pangangailangan ng tulong ni Dick dahil nasunugan ito ng bahay, bukod sa paralisado na ang kalahating katawan nito matapos ma-stroke noong 2010.

Read: Dick Israel needs help!

Maraming artista ang nagpaabot ng tulong sa veteran actor; kabilang na sina Vivian Velez, Nadia Montenegro, at Marvin Agustin.

Read: Vivian Velez overwhelmed by outpouring of support for Dick Israel

Nakasama ni Sunshine si Dick sa mga pelikulang Ang Titser Kong Pogi at Lihim ni Madonna, naipalabas noong mid-'90s.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN