Jennylyn Mercado keeps details of new teleserye secret

IMAGE Rose Garcia

Jennylyn Mercado on bashers: "Sanay na ako diyan. Kumbaga, hindi naman natin mapi-please lahat. Araw-araw, nakaka-receive ako ng iba't ibang klaseng pagba-bash. I don't think na kailangan kong dibdibin ang mga sinasabi nila. Yung iba, talagang below the belt, pero hindi ko kailangang patulan or kailangang sakyan."


Ngayong linggong ito ay magsisimula na ang taping para sa bagong teleserye ni Jennylyn Mercado sa GMA Network.

Pero tikom pa rin ang bibig ng Kapuso actress tungkol dito, kahit na inamin niyang nag-story conference na sila noong July 14.

Hindi pa man siya pumipirmang muli ng kontrata sa GMA-7 ay matunog na ang balitang siya ang gaganap bilang si Steffi Cheon sa Pinoy version ng hit Koreanovela na My Love From The Star.

Ngunit nang tanungin tungkol dito, iwas na sagot ni Jennylyn, “Hindi ko alam… wala akong sinasabi, ha!”

Pero masaya naman siya sa bago niyang teleserye?

Tugon ng Kapuso actress, “Hindi pa kami nagsisimula, pero happy ako.

“Basta ayoko nang idetalye kung anuman yung mga kaganapan. Malalaman niyo rin naman.”

May inilabas ang beauty-queen maker na si Jonas Gaffud sa Instagram na larawan ni Jennylyn habang nagti-training sa kanya.

“Posture lang, walking. Parang mabilisan lang,” sabi ng Kapuso star tungkol dito.

Inamin naman ni Jennylyn na ang training niyang yun ay bahagi ng kanyang paghahanda sa sisimulan niyang teleserye.

Bukod dito, ano pa ang ibang preparasyon niya?

“May pinabasa lang sa akin si Direk,” sagot niya.

Pero hindi rin niya sinabi ang pangalan ng direktor.

Ngunit lumabas na noon na ang magididrek ng Pinoy version ng My Love From The Star ay si Joyce Bernal.

Read: Joyce Bernal confirms Alden Richards to star in My Love From The Star

MOVIES. Maliban sa kanyang bagong teleserye, mapapanood din si Jennylyn sa cooking show niya sa GMA News TV na Everyday Sarap With CDO at may musical show din siyang gagawin sa Kapuso network.

Sa dami ng TV projects niya, nalulungkot ba si Jennylyn na wala siyang entry sa Metro Manila Film Festival ngayong taon?

Sagot niya, “Hindi naman, siguro kumbaga, kung maisisingit ko, puwede.

“Pero sa ngayon po, hindi talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo na ngayon, kailangan sa October, tapos na.

“Dapat ngayon, nagtatrabaho na ako for the movie.”

Nilinaw rin ni Jennylyn ang balitang pinigilan daw siya ng GMA-7 na gumawa ng pelikula sa Star Cinema, na kesyo binayaran na lang daw ang talent fee niya.

“Walang ganun!” tanggi niya.

“Siguro hindi lang kami nagkasundo sa schedule dahil napakarami ko talagang ginagawa sa ngayon.”

Totoo bang gagawa siya ng pelikula sa GMA Films?

“Sabi po, pero baka next year pa,” sagot niya.

Makakagawa pa rin kaya siya ng pelikula sa Star Cinema pagkatapos ng Just The 3 of Us nila ni John Lloyd Cruz?

Ayon kay Jennylyn, “Opo, yun ang maganda, sinusuportahan pa rin ako ng GMA kahit na gumagawa ako sa Quantum, gumagawa ako sa Regal.

“Sinusuportahan nila ako na single mom ako, kailangan ko yung mga ganung bagay.”

Bukod sa kanyang TV projects, kasalukuyan ding ginagawa ni Jennylyn ang bago niyang album para naman sa Ivory Music.

ULTIMATE STAR. Sanay na ba siya na tinatawag bilang “Ultimate Star”?

Natatawang sabi ni Jennylyn,“Sa totoo lang po, hindi ako sanay na tinatawag… na may title.

“Pero siyempre, masaya naman po ako na binigyan nila ako ng title.”

Ngunit kaakibat ng titulong ipinagkaloob sa kanya ng GMA Network ay may ilang kumukuwestiyon dito.

Pahayag ni Jennylyn tungkol dito, “Okey lang yun, kumbaga sanay na ako diyan.

“Kumbaga, hindi naman natin mapi-please lahat.

“Araw-araw, nakaka-receive ako ng iba’t ibang klaseng pagba-bash.

“I don’t think na kailangan kong dibdibin ang mga sinasabi nila.

“Yung iba, talagang below the belt, pero hindi ko kailangang patulan or kailangang sakyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN