Luis Manzano on bashers: "Marami lang plastic at uto-uto sa mundo."

IMAGE Noel Orsal

Luis Manzano says tolerating bashers only encourages them to keep on bashing and favors them to keep oppressing.


Hindi pinalampas ni Luis Manzano ang pambabatikos ng bashers sa kanya at sa nali-link sa TV host-actor na si Jessy Mendiola.

Pinag-usapan sa showbiz ang pag-amin kamakailan nina Luis at Jessy na nagdi-date sila.

Pero mas lalo itong pinag-usapan nang magsalita si Angel Locsin, ex-girlfriend ni Luis, tungkol sa pagkakamabutihan ng Minute To Win It host ni Jessy.

Sa Instagram post ni Luis kamakalawa, sinagot niya ang ilang netizens na bumabatikos sa kanilang dalawa ni Jessy sa comments section.

Halimbawa ay ang pagsagot ni Luis sa isang netizen na namba-bash pero religious ang profile name at profile description ng kanyang Instagram account.


May isang netizen ang nag-comment at pumuna sa bashers kung ano ang ginawa ni Jessy at bina-bash nila ito.

Sabi pa nito, pinapababa nila ang kanilang moral sa pambabatikos kay Jessy.

Sagot ni Luis sa netizen: “They had low morals [to] begin with.”



Isang netizen naman ang nagpahayag ng kanyang suporta kay Luis at hinimok ang Minute To Win It at Family Feud host na huwag pansinin ang bashers dahil hindi alam ng mga ito ang totoong istorya.

Paniniyak ni Luis sa nasabing supporter: “I’m fine, tita. Marami lang plastic at uto-uto sa mundo.”



Sundot pa ng nasabing netizen, huwag husgahan si Luis dahil hindi naman nila alam ang totoong kuwento.

Sabi naman ng Kapamilya star, sa social media lamang matapang ang bashers na ito pero hindi kayang sabihin sa kanya nang harapan.

“None of them can say it to my face anyway.”



Sa isang comment, isang netizen ang nagpaalala kay Luis na kapag isa kang artista, kahit anong gawin mo ay mayroon at mayroong pupuna sa iyo. Kung kaya’t mas maganda na huwag na lamang silang pansinin at ituon ang atensiyon sa ibang bagay.

Sagot dito ni Luis: “Tolerating encourages, and favors the oppressor.”



Kamakailan ay nakausap ng press si Luis at tinanong kung bakit pumapatol siya sa mga basher.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Luis, “Pare-pareho tayong tao. Dapat ba hindi ko patulan? Bastusin mo ‘ko di kita papatulan?

“At the end of the day, hindi ako artista, tao ako.

“Bastusin mo ‘ko, babastusin kita.”

WATCH: Luis Manzano: 'Bastusin mo 'ko, babastusin kita!'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN