Christian Bautista says his parents approve of girlfriend Kat Ramnani

IMAGE @katramnani Instagram

Christian Bautista describes himself as a boyfriend: "Lahat tayo may love language. Ang love language ko is service. Ibig sabihin nun, parang driver ako lagi. Service, so ibig sabihin kung meon akong time na magsundo, kung meron akong time na mag-ayos ng nasirang lock. Hindi ako masyadong gifts. More on how can I help you? Kasi ganun din siya."


Inamin ni Christian Bautista na “less than a year” na silang magkasintahan ng non-showbiz girlfriend niyang si Kat Ramnani.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ng Kapuso singer-actor na boto ang kanyang mga magulang kay Kat.

“Oo, nakilala na nila [si Kat],” nakangiting sabi ni Christian pagkatapos ng kanyang contract signing sa GMA Network Center noong Huwebes, Hulyo 21.

Nag-swak daw kasi agad si Kat sa pamilya ni Christian.

Pagtukoy pa ng binata sa impresyon ng kanyang mga magulang kay Kat, “She’s very fun to be with, she’s smart, she loves sports—our family loves sports.”

Sa edad na 34, hinihiling na ba ng kanyang mga magulang na lumagay siya sa tahimik?

Sagot ni Christian, “Wala pa naman. I think mas sa girls tinatanong yung ganun. Kaming mga boys, chill lang.”

Bagamat wala pa siya planong magpakasal sa ngayon, siniguro ni Christian na masaya siya sa piling ng non-showbiz girlfriend.

LOVE AND COMPATIBILITY. Magkasundo raw sila sa maraming bagay.

Sa katunayan, nagkakilala ang couple sa isang mystery game group kung saan hinangaan agad ni Christian ang galing sa problem solving ni Kat.

Kuwento ni Christian, “A friend brought her. I didn’t know she was gonna come.

“In my head, I was thinking, ‘She’s cute.’

“And then we were put in a situation where we have to solve problems as a group.

“Medyo nerdy, medyo geeky… And she was very good. Tapos, yun na.”

Paano niya mailalarawan ang sarili bilang nobyo?

“Lahat tayo may love language. Ang love language ko is service.

“Ibig sabihin nun, parang driver ako lagi.

“Service, so ibig sabihin kung meron akong time na magsundo, kung meron akong time na mag-ayos ng nasirang lock.

“Hindi ako masyadong gifts. More on how can I help you? Kasi ganun din siya.”

Hilig din nilang magpunta ng beach sa tuwing mayroon silang libreng oras para magbakasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa napuntahan ng couple ay ang Balesin Island Club, isang exclusive resort na matatagpuan sa Polilio, Quezon.

"I can't help, pooling in love with you." ????

A photo posted by Kat Ram (@katramnani) on

NO SET VISIT. Tinanong din si Christian kung nakabisita na si Kat sa set ng GMA primetime teleserye na Encantadia, kung saan gumaganap ang una bilang si Apitong, ang tumatayong ama ng Sapiryan prince na si Ybarro (Ruru Madrid).

Sabi ng Kapuso singer-actor, “Bawal. Super strict.”

Hindi naman daw isyu ito dahil naiintindihan ng nobya ni Christian ang demand ng kanyang trabaho.

Sa katunayan, hindi raw selosa si Kat na bukod sa pagiging music head ng isang telecommunications company ay isa ring part-time model.

“Sakto lang naman [pagiging selosa niya]. She knows naman.

“Nakita na niya lahat ng music videos ko [with some leading ladies] dati.

“I think she knows na what she’s getting into. She’s very understanding.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN