Aiko Melendez on KathNiel's genuine kindness: ''Wala silang ere, walang hangin sa ulo."

Aiko Melendez can't help but praise Danial Padilla and Kathryn Bernardo for being good natured and staying humble despite their stardom: "Sobrang bait nila, na-fascinate ako sa kanila. I even posted this on my Instagram. Sila yung mga artista ngayon na sikat, na King and Queen sila but they don't know na sikat sila."

 


Artista na ang 17 anyos na anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na si Andre Yllana.

Naikuwento ni Aiko ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last week sa pictorial ng bagong pelikula ng aktres na pinamagatang Tell Me Your Dreams ng Golden Tiger Films.

“Si Andrei ngayon is under Star Magic na.

“Noong isang araw ay nag-pictorial siya for catalogue.

“Yung daughter ko kasi ay bawal sa school, sa Poveda siya, e.

“So, I doubt kung mag-aartista siya and wala ring hilig e,” pahayag ni Aiko.

Ayon pa sa aktres, okay lang kay Jomari ang pagpasok ng anak nila sa showbiz.

“It’s something na pinag-usapan naming tatlo.

“Kasi, although magkahiwalay kami ni Jom and under custody ko si Andrei, I want to give Jomari also the responsibility and obligation na makialam din siya sa gusto ng anak niya.

“So, when we sat down and we had all these agreements and decisions na, 'Okay, payagan na si Andre,' mutual yun,” giit niya.

NOT MEDDLING IN SON'S SHOWBIZ CAREER. Tinuturuan ba niya si Andre tungkol sa mga kalakaran sa showbiz?

“Ayaw niya, e. Ayaw niya nang ano e…

“In fact, hindi ako talaga ang manager.

“Hindi ba, normally... si Karla [Estrada] kasi ay friend ko, hindi ba co-manager siya ni Daniel [Padilla]?

“Ako, hindi, e.

“Kasi ang agreement namin ni Andrei, sabi niya kasi sa akin, ‘Ma, huwag ka na lang makialam.’

“So, so far I’ll be there to guide him.

“Pero yung para pakialaman ko siya, ayaw niya.

“Kasi, nape-pressure siya. Kasi siyempre, ang tatay at nanay niya ay artista.

“So, yun palang thought bubble na ganoon, nape-pressure siya.

“Kaya sabi ko, ‘O sige, minsan-minsan lang ako dadalaw sa iyo, hindi ako makikialam.’

“Pero siyempre kapag nagwu-work siya, tatawag lang ako nang tatawag.

“Hindi naman niya alam dahil yung RM [road manager] ang makakausap ko,” natatawang saad pa ni Aiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVICE TO SON. Kahit ba payo ay wala siyang ibinigay kay Andre?

“Ay mayroon!” mabilis na sagot ng aktres.

“Kasi ang unang sabi ko sa kanya, ‘Alam mo, ang showbiz is pakikisama 'yan.

“'And no matter kahit na anong apelyidong mayroon ka, huwag mong gamiting basis 'yan para maging-stepping stone mo.'

“'Dapat ang gawin mo ay marunong kang makisama.

“Kahit na yung mga nasa ibaba, iyan ang pinaka-importanteng pakisamahan.

“Kasi when you have a good attitude, God will bless you with something that you deserve.’

“Sabi ko rin na to take it seriously, na ang pag-aartista ay hindi laro, na it’s something that you have to take by heart.”

Isa pa rin daw sa bilin niya sa anak ay ang umiwas muna itong mag-girlfriend.

“Ay, sinabi ko iyan!

“Sabi ko, ‘Oh my God! May crush-crush na siya!'

“Kaya sabi ko sa kanya, ‘Wag ka muna maggi-girlfriend.’

“Sabi ko, ‘Kasi pag artista mo, madami kang makikitang magaganda.’

“And sabi ko, ‘Lahat ng magaganda, lahat ng hindi magaganda, makikita mo sa showbiz, e.'

“'Hayaan mo munang pagsawaan ng mata mo yung magagandang tanawin, ‘wag ka munang mag-focus sa isa.’

“Iyon ang sabi ko sa kanya,” nakangiting saad pa ng aktres.

MOVIE WITH KATHNIEL. Nabanggit din ni Aiko ang movie niya with Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Lahad niya, “Ang working title namin is Barcelona from Star Cinema. I am the aunt of Daniel and si Inang Olive Lamasan yung director.

“Naka-ten days na ako sa Barcelona and yung iba, puro Manila shoot na.”

Naka-eksena na ba niya yung dalawa?

Sagot ni Aiko, “Oo, ang lahat ng eksena ko is with them, e.

“Kasi parang sa buong movie, sila yung kasama ko lagi.

“Kasi nga parang si Daniel grew-up with me.

“Hindi maganda yung relationship niya sa mom niya. Tapos nga ay doon darating si Kathryn.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALL PRAISES FOR KATHNIEL. First time niyang nakatrabaho ang KathNiel at nagulat daw siya sa sobrang bait ng dalawang Kapamilya stars.

Kuwento niya, “Sobrang bait nila, na-fascinate ako sa kanila. I even posted this on my Instagram.

“Sila yung mga artista ngayon na sikat, na King and Queen sila but they don’t know na sikat sila.

“Wala silang ere, walang hangin sa ulo.

“Kasi makikita mo 'yan pag out of the country, e.

“Pag dito sa Pilipinas, puwede pang mag-put on ‘yan, na magbait-baitan, e.

‘Pero sa Barcelona, wala silang reklamo, on time sila.

“So parang I built another family in them. To think na si Karla kasi is my kumare, so talagang close kami, kaya sabi ko, ‘Mare, talagang napalaki mo nang maayos si Daniel.’

“Kasi napakabait na bata. Even Kathryn, wala akong masabi, kasi napakabait nila.”

Idinagdag pa ni Aiko na ang makatrabaho ang KathNiel ay panibagong blessing daw na maituturing para sa kanya.

“Oo, kasi noong una, hindi ko nare-realize na... kasi when I see them on TV, ang daming sumisigaw, di ba?

“Tapos, pagdating ng Barcelona, pati yung Filipino community, hindi kami makapag-shooting. Ganon sila kasikat!

“Pero sila, kahit pagod na pagod na kaming mag-shooting, pag may lumapit sa kanila para magpa-picture, pinagbibigyan pa rin nila.

“So, ang bait-bait nila, kaya they deserve their success now,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN