Piolo Pascual on ex-girlfriend KC Concepcion: "I always pray for her happiness."

IMAGE Arniel C. Serato

Ipinagdarasal raw ni Piolo Pascual na maging masaya ang lovelife ng dating kasintahang si KC Concepcion, kaya masaya ito sa balitang nagli-link sa aktres kay Aly Borromeo.


“I’m happy for her.”

Ito raw ang nararamdaman ni Piolo Pascual ngayon para sa kanyang ex-girlfriend na si KC Concepcion.

Hindi pa man tuwirang umamin si KC, halata sa mga Instagram posts nito na may espesyal nang namamagitan sa kanila ng dating Azkals team captain na si Aly Borromeo.

Nitong linggo lamang, magkasama ang dalawa sa Hong Kong.

Read: KC Concepcion on cloud nine over Hong Kong trip with Aly Borromeo

Sa 15 Silkamazing Years event na ginanap sa Trinoma Activity Center ngayong gabi, July 23, diretsahang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang brand endorser kung ano ang reaksiyon niya sa balitang may bagong nobyo ang ex-girlfriend na si KC.

Nakangiting tugon ni Piolo, “I’m happy for her.

“I always pray for her happiness, and it’s good that, you know, a, there’s someone taking care of her, and I’m just really, really happy for her.”

Matatandaang hindi maganda ang naging breakup ng dalawa noong 2011, pero nagkaayos sila nitong nakaraang taon.

Umamin na rin silang nag-uusap na kapag nagkikita.

Sabi pa ng Kapamilya actor, paminsan-minsan raw ay nagpapalitan sila ng mensahe sa pamamagitan ng text.

Dagdag pa niya, “We exchange messages sa texts. And we’re good, we’re good.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN