Karylle clears battered partner rumor about mom Zsa Zsa Padilla: "Hindi naman totoo yun."

IMAGE Arniel C. Serato

Mariing itinanggi ni Karylle ang bali-balitang diumano'y physically battered partner ang ina niyang si Zsa Zsa Padilla sa dating partner nitong si Conrad Onglao. Kasalukuyang nasa Amerika si Zsa Zsa para sa kanyang sinasabing ''healing process'' mula sa naunsiyaming engagement nila ni Conrad.


Kasalukuyang nasa ibang bansa ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla para sa itinuturing niyang ''short hiatus from showbiz'' para na rin sa healing process na kanyang inaasam mula sa breakup nila ni Architect Conrad Onglao.

Read: Zsa Zsa Padilla to take a short hiatus from showbiz

Sa Silkamazing@15 event ng Silka soap sa Trinoma Mall activity center sa Quezon City kahapon, July 23, sinabi ng panganay na anak ni Zsa Zsa na kasama ng kanyang ina sa ngayon ang kanyang mga kapatid na nakatira sa Amerika.

Kuwento ni Karylle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I think marami naman ang nakakaalam na ang family namin ay nakatira abroad.

“Lahat ng kapatid niya nandun so nagsama-sama sila.”

Bilang panaganay na anak, paano niya tinutulungan ang ina na maka-move on mula sa hiwalayan nila ni Conrad?

Saad ng It’s Showtime host, “Kinonfiscate ko lahat ng social media [accounts] niya, yun lang, yun lang yung sa akin.

“Wala, para di niya makita yung mga comments nung mga tao.

"Pero mabait naman yung mga tao, actually. Very, very ano sila, prayerful and supportive, so I’m thankful din.”

Matapos ang hiwalayan nina Zsa Zsa at Conrad, lumutang naman ang mga balitang diumano’y biktima ang singer-actress ng "bad temper" diumano ng dating ka-partner.

Kaya naman inusisa mismo ng PEP kay Karylle kung may katotohanan bang physically battered partner ang kanyang ina.

Mariin naman niya itong pinabulaanan.

Saad niya, “No, no, that’s not true. Hindi.

“I actually always said that kasi parang people insinuated things like that, so I always was quick to say hindi naman totoo yun.”

Pero wala itong sinabi tungkol sa isa pang balita na "emotionally and verbally abused" ang kanyang ina.

Read: Is Zsa Zsa Padilla victim of verbal and emotional abuse?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN