Polo Ravales sympathizes with good friend Sunshine Dizon amid ongoing marital crisis

Polo Ravales shows his concern for good friend Sunshine Dizon, amid the latter's current marital crisis: "She's strong and kaya niya yun. And I'm sure… meron siyang dalawang anak na... you know, magiging inspiration niya, so I'm sure mas kaya niya ngayon. Marami na siyang pinagdaanan, e."


Magkasabay halos sa showbiz sina Polo Ravales at Sunshine Dizon. Sa katunayan ay nagkaroon sila ng relasyon dati.

Hanggang ngayon daw ay may komunikasyon sila.

Sabi niya, “Sa Facebook, nag-message ako sa kanya.”

Aware daw si Polo sa hiwalayan nina Sunshine at ng mister niyang si Timothy Tan.

Aniya, “Sabi ko, ‘I’m just here, and my mom,’ kasi close sila ni Mama, e. ‘Nandito pa rin kami para sa iyo and if you need anything, I’m just here, if you need to talk to someone, I’ll be here as an old friend’, mga ganun.”

“Oo naman,” ang isinagot daw ni Sunshine kay Polo.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Polo noong July 15 sa Garage 88 Bar sa Bonifacio Global City sa presscon ng Hercules: The Valiant Warrior of Thebes.

Si Polo ang gaganap na Hercules sa naturang stage musical na iprinodyus ng Fullblast Productions at mapapanood sa September 15, 16 & 17 at 10:00 AM, 2:00 PM & & 7:00 PM sa Star Theater sa CCP Complex.

Noong nakapanayam namin si Polo ay hindi pa raw sila nagkakausap nang personal ni Sunshine.

SURPRISED. Ikinagulat raw ni Polo ang paghihiwalay nina Sunshine at Timothy.

Saad niya, “Sobra! Kasi nakilala ko pa yung lalaki, e. Nagulat ako sa nangyari.”

Bilang malapit na kaibigan ni Sunshine, nakaramdam ba siya ng galit kay Timothy dahil nga sa akusasyon na may iba itong babae diumano?

Pagklaro niya, “Galit? Hindi, hindi naman galit pero I was just...

“You know, nagtataka lang ako, parang kasi I heard na sa isang condo lang yung babae, e.

“Dun lang ako nagtataka, parang, bakit kung mambababae ka bakit kailangan pa sa isang condo?”

Ang itinuturong third party kasi sa relasyon nina Sunshine at Timothy ay nakatira rin sa same condo building.

Ibig bang sabihin ni Polo, okay lang mambabae ang isang lalaki kung sa ibang condo o bahay nakatira ang babae nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglinaw niya, “Hindi okay! Hindi okay ang mambabae. Pero mas, parang mas bastos lang na sa isang condo, di ba?

“Parang for me, kasi for me, you know, ang lalaki kasi may tendency na mambabae 'yan.

“Given, you know, given 'yan, e. Ang ipinagtataka ko lang, parang sobrang bastos naman yata na yung babae mo, e…

Nasa sariling bakuran?

“Oo. Iyon ang parang masyadong for me, parang hindi ko siya maisip na magagawa niya, parang ganun,” lahad niya.

MESSAGE FOR SUNSHINE. Kung makakausap niya ng personal si Sunshine, ano ang sasabihin ni Polo dito?

Pagmamalaki niya, “She’s strong and kaya niya yun.

“And I’m sure… meron siyang dalawang anak na... you know, magiging inspiration niya, so I’m sure mas kaya niya ngayon.

“Marami na siyang pinagdaanan, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN