Benjie Paras confirms son Kobe's admission to Creighton University

Benjie Paras happily confirms son Kobe's admission to Creighton University in Omaha, Nebraska: "Itong napili namin, kasi ang nag-decide dito, yung coach niya dati sa high school, si Coach [William] Middlebrooks. Miniting niya kami, kinausap niya kami and lumabas dun sa mga pinuntahan naming mga schools, yung Creighton yung mas magandang opportunity for him."


Nakabalik na si Benjie Paras mula sa ilang linggong pamamalagi sa Amerika para samahan ang anak niyang si Kobe Paras sa paghahanap nito ng Division 1 school na paglilipatan pagkatapos siyang tanggihan ng UCLA.

Read: Andre Paras on Kobe's withdrawal from UCLA: "It's not because of his grades."

View: Andre Paras says brother Kobe was removed from UCLA because of 'politics'

Ayon kay Benjie, nakalipat na si Kobe sa Creighton University sa Omaha, Nebraska.

Hinatid siya roon ni Benjie at tiniyak munang okey ang anak bago bumalik ng Pilipinas.

“Okay na ang lahat. May peace of mind na kami.

“Hindi naman ako umalis dun hangga’t hindi natapos, e,” sabi ni Benjie nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa birthday party ni Dody Arcaya, ang may-ari ng Dickies Philippines, noong Sabado ng gabi, July 23.

Nag-post naman si Kobe sa kanyang Instagram account na suot ang blue jersey ng Creighton, na may caption na “I rock CU blue on these…#twtbg”

I rock CU blue on these... #twtbg

A photo posted by Kobe (@_kobeparas) on

Ayon kay Benjie, ang coach ni Kobe na si William Middlebrooks ang pumili ng school na lilipatan ng kanyang anak.

“Itong napili namin, kasi ang nag-decide dito, yung coach niya dati sa high school, si Coach Middlebrooks.

“Miniting niya kami, kinausap niya kami.

“And lumabas dun sa mga pinuntahan naming mga schools, yung Creighton yung mas magandang opportunity for him,” sabi ng dating PBA player.

LESSON LEARNED. Nakita naman daw ni Benjie na nakapag-adjust agad si Kobe at nalagpasan na ang problemang hinarap nito.

Ani Benjie, “Hindi naman siya malaking problema, e.

“It’s a good problem… na ibig sabihin, mas maraming dumating na teams na interesado sa kanya.

“At least, hindi siya masamang problema. Nakakatuwa na maraming may gusto sa kanya.”

Pero magandang learning experience daw ito sa kanilang lahat.

Saad ni Benjie, “Ang sa akin lang, ang natutunan namin pareho, we need to be careful in whatever things we’re going to decide on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan maging extra careful kami.

“Yung nangyaring yun, isang lesson sa aming lahat.

“So ngayon, yung handler niya, mas naging maingat.”

NO COMMENT ON KOBE'S LOVE LIFE. Pagdating sa love life ni Kobe, hindi na nagbigay ng komento ang aktor.

Kapansin-pansing wala na sa Instagram account ng binata ang pictures na magkasama sila ni Gabrielle Current.

Safe ang sagot ni Benjie na wala siyang alam pagdating sa love life ng anak.

“Hindi ko alam sa kanila, actually.

“Nung time kasi na yun, naka-focus kami dun sa school, e.

“Ako, hindi na ako nagtatanong.

“Ayoko na dagdagan yung isyu.

“Sa akin, naghiwalay kaming masaya.”

INTENSIVE TRAINING. Ang mahalaga ay nakita raw niyang purisigido si Kobe sa kanyang pag-aaral at training ng basketball.

“Kahit naman dun sa dati niyang school, nakikita mo naman ang sipag niya.

“He’s practicing every day by himself.

“Nag-aaral siyang mabuti. Kumbaga, ready na siya talaga.

“Ito talaga yung gusto niya.

“Nagkataon lang na nalipat siya, pero tuluy-tuloy pa rin yun,” saad ni Benjie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN