Ai-Ai delas Alas clarifies 'mega super single' status: "Taken na lola n'yo."

IMAGE Ai-Ai delas Alas Instagram

"Natatawa ako kasi ang dami daw nag a apply kasi single na daw ako. Hindi po ako single, may boyfriend pa din po ako.. Medyo mali lang ang text," explains Ai-Ai delas Alas about her 'mega super single' post after knowing that her divorce from Jed Salang has been recognized by QC-RTC


Tila naging mainit ang pagtanggap ng mga tagahanga ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas sa “mega super single” status niya sa Instagram.

Dahil daw rito ay marami ang nagpahiwatig ng kanilang intensiyong manligaw sa kanya.

Ngunit paglilinaw ni Ai-Ai, “Taken na lola niyo.”

Hindi naman kaila sa marami na masaya ngayon ang Kapuso comedienne sa piling ng kanyang boyfriend na si Gerald Sibayan.

Read: Ai-Ai delas Alas is now “mega super single.”

Sa kanyang panibagong Instagram post, muling ipinaliwanag ni Ai-Ai ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court na kilalanin ang pagkaka-divorce niya sa dating asawa na si Jed Salang.

“Natatawa ako kasi ang dami daw nag-a-apply kasi single na daw ako…

“Hindi po ako single, may boyfriend pa din po ako.. Medyo mali lang ang text ko.

“Kasi one year na ako divorce, pero walang divorce sa Pilipinas, so kailangan ng enforcement of foreign judgement pa.

“At yun na nga, lumabas na yung decision ng QC RTC GRANTING my petition to enforce divorce decree in the phil giving me permission to remarry again.”

Bagamat maaari na siyang magpakasal muli, sinabi ni Ai-Ai, “PERO D PA DIN AKO MAGPAPAKASAL, MATAGAL PA.

“Ang kagandahan lang, malinis at walang-wala na akong problema kung magpapakasal ako, yun na yun.

“Ang meaning ng super single na ako -- at sa mga humahanga sa akin, salamat pero taken na lola nyo heheh.”

Sa huli, sinabi ni Ai-Ai na “sobrang laughtrip” ang naging reaksiyon ng netizens sa nauna niyang post.

“Nakakatawa lang yung text agad agad. At saka sa edad kong to ha may gusto pang manligaw... Hahahahhahaa yun ang d best na naakakatawa talaga ???????????? ( nagpadala pa ng pictures hahahahha) sobrang laughtrip talaga.”

Tinext ako ng admin namin sa fan page ko sa fb .. Hahaha natatawa ako kasi ang dami daw nag a apply kasi single na daw ako ... Hindi po ako single may boyfriend pa din po ako .. Medyo mali lang ang text ko .. Kasi one year na ako divorce pero walang divorce sa pilipinas so kailangan ng enforcement of foreign judgement pa -- at yun na nga lumabas na yung decision ng QC RTC GRANTING my petition to enforce divorce decree in the phil giving me permission to remarry again -- PERO D PA DIN AKO MAG PAPAKASAL MATAGAL PA-Ang kagandahan lang malinis at walang wala na akong problema kung magpapakasal ako yun na yun. Ang meaning ng super single na ako) -- at sa mga humahanga saken salamat pero taken na lola nyo heheh .. Nakakatawa lang yung text agad agad .. Atsaka sa edad kong to ha may gusto pang manligaw ... Hahahahhahaa yun ang d best na naakakatawa talaga ???????????? ( nagpadala pa ng pictures hahahahha) sobrang laughtrip talaga ????????????

A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN