President Rodrigo Duterte: "This will be a 101% clean government."

IMAGE PTV on Facebook

Lumagpas sa isang oras at kalahati ang naging kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte ngayong hapon, July 25. Ilan sa mahahalagang mensahe niya ay ang tungkol pa rin sa droga, pagpapababa ng buwis, at ang solusyon laban sa trapiko.


Tulad sa inaasahan, napuno ng palakpakan at tawanan ang kabuuang 1 oras at 33 minutong unang State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte ngayong hapon, July 25.

Unang napabalitang nasa 38 minuto lamang tatagal ang speech ni President Duterte, ngunit lumagpas ito ng halos 55 minuto.

May limang punto sa kanyang talumpati na pinalakpakan nang husto.

Ito ay ang tungkol sa human rights sa mga Pilipino at hindi sa mga kriminal, sa pagpapababa ng personal at corporate income tax, responsible parenthood, pagdagdag ng tren sa MRT, at ang pagkakaroon ng libreng Wi-fi sa mga pampublikong lugar.

Dalawang beses—sa gitna at huling bahagi ng kanyang speech—binanggit ni Pangulong Duterte na ang malalaking drug dealers ay wala sa Pilipinas kundi nasa ibang bansa kaya ang nabubuntunan ng mga pulis sa ngayon ay ang kanilang lieutenant o runners lamang.

Ikinuwento rin nito kung paano niya napili bilang secretary ng Department of Environment and Natural Resources si Gina Lopez.

Sabi ng pangulo, dalawang beses nakipagpulong sa kanya si Gina na umabot na daw ng alas-4 ng madaling-araw kaya inalok na lang niya itong pamunuan ang naturang ahensiya.

Humingi rin siya sa kongreso ng emergency powers upang matugunan ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Inilambing din niya na simulan na ng Kongreso at Senado ang usapin tungkol sa pagbuo ng Presidential Federalism form of government, na katulad ng sa France.

Sa huli, ipinangako ni Duterte na magiging malinis ang kanyang gobyerno lalo na sa usapin ng korapsiyon sa loob ng kanyang termino.

Pangako niya, “I assure you, this will be a clean government.

"If that is the only worry that you have, and I can understand your misgivings, ako makagarantiya ako, 101% it will be clean.”

Sa ibang banda, maayos naman ang naging pagkanta ni Bayang Barrios ng "Lupang Hinirang" kahit dalawang beses nawalan ng audio ang mikropono.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN