Mark Herras says Jennylyn Mercado deserves her 'Ultimate Star' title

IMAGE Rose Garcia

Mark Herras considers himself out of the popularity race, saying, "Relax lang kasi ako… puwede bang Ultimate Relax?"


Para kay Mark Herras, deserving ang co-winner niya sa StarStruck Season 1 at ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado sa titulo nitong "Ultimate Star."

Sabi ng Kapuso actor, “Well, she deserves that.

“Pinaghirapan naman niya ang lahat ng nararating niya ngayon, I’m sure na pinaghirapan niya yun.

“Lahat naman ng artista na pinaghirapan ang posisyon nila ngayon, lahat naman, they deserve it.

“For example, si Alden [Richards], from scratch, talagang nagtrabaho nang maayos.

“Si Jen din, nagtrabaho rin siya ng talagang sagad.”

Hindi ba sumagi sa isipan niya na sana ay tanghalin naman siyang Ultimate Male Star title ng GMA Network?

“Relax lang kasi ako… puwede bang Ultimate Relax?” natawang sabi ni Mark.

“Kumbaga, ako naman po, hindi naman sa gusto kong magka-title o makilala ko.

“I enjoy kung ano ang naibibigay sa akin, alam ko dapat talagang tina-target ko to be bigger pa.

“As of now, I am just happy, after thirteen years, nandito pa rin ako sa industriya.”

SIMPLE WANTS. Hindi raw nai-insecure si Mark kapag may bagong sumisikat.

“Hindi po talaga, tinanggal ko sa sistema ko yung pagkainggit.

“Kasi once na hinayaan mo sa sistema yung inggit, like, bakit ganito si ganito, bakit si ganito mas angat sa akin?

“Hindi ako naiinggit, e, I’m more of ang ganda ng project ni ganito, hindi yung inggit talaga.

“Ako kasi, ginagawa ko lang nang maayos ang trabahong ibinibigay sa akin, at nag-e-excel naman ako.

“Hindi man sa acting, pero nag-e-excel ako sa ibang bagay.

“Hindi naman sa katamaran, pero I enjoy kung ano yung ginagawa ko talaga.

“Hindi ako masyadong naghahangad ng iba.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN