Vice Ganda, Coleen Garcia, other celebs react to Duterte's first SONA

IMAGE Instagram (Coleen, Vice) Facebook (Sen. Grace Poe

Vice Ganda, Coleen Garcia, and Senator Grace Poe commend Pres. Duterte's first-ever SONA by posting tweet messages.


Naging positibo ang reaksiyon ng ilan sa mga artista at pulitiko sa unang State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte ngayong araw, July 25.

Sunud-sunod ang mga positibong tweet messages ng Kapamilya stars na sina Coleen Garcia at Vice Ganda.

Positibo rin ang tweets ni Ruffa Gutierrez; gayundin si Senator Grace Poe, na siya ring unang nag-concede nang matalo siya ni Duterte sa presidential elections noong Mayo.

Tinawag ni Coleen na “wonderful leader” si Duterte at marami raw siyang “love and respect” para sa bagong Pangulo.

Paglalarawan ni Coleen sa SONA ni Duterte: "simple, straightforward, and sincere."

Nabuhayan daw siya ng pag-asa para sa bansa at mga Pilipino dahil sa mga pahayag ni Pangulong Duterte.

Sabi pa ng actress-TV host, isang tunay na lider si Duterte at nanawagan sa ating mga kababayan na kailangang makipagtulungan sa Pangulo upang mangyari ang mga nais nito para sa bansa.

Nag-tweet din ng pagsuporta si Vice kay President Duterte.

Ipagdarasal din daw niya ang Pangulo para gabayan ito.

Maging ang ABS-CBN host na si Gretchen Ho ay bumilib sa SONA ni Duterte.

Nagustuhan daw niya ang konkretong plano ng Pangulo sa bawat isyu at alam daw nito ang gusto niyang gawin para sa bansa.

Inilarawan naman ni Ruffa ang SONA ni Duterte na nakakatawa at honest.

Sunud-sunod din ang pag-tweet niya ng quotes ni Duterte sa kanyang SONA.

Nag-tweet naman si Senator Grace na nagustuhan niya ang pahayag ni Duterte tungkol sa pagkakaroon ng kapayapaan.

Pangarap din daw niya ang mga binanggit ng Pangulo sa kanyang SONA, partikular ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga Pilipino.

Samantala, nanawagan naman ng pakikipagkaisa si Amy Perez sa publiko sa halip na batikusin si Pres. Duterte

Ilan pa sa mga nag-tweet ng pagsuporta sa mga sinabi ni Duterte sa kanyang SONA ay sina Sunshine Dizon, Slater Young, Erik Santos, Steven Silva, at Mike Tan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN