Christian Bautista and Nyoy Volante satisfied with Duterte's first SONA

IMAGE Reielle Deslate

Kuntento sina Christian Bautista at Nyoy Volante sa unang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte. Naniniwala rin silang kayang tuparin ng Pangulo ang kanyang mga binitawang pangako.


Kuntento ang mga singer na sina Christian Bautista at Nyoy Volante sa naging kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, July 25.

Sa idinaos na PEPJams ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Martes, July 26, sinabi ng dalawang singers na masaya sila sa mga binitawang pangako ng Pangulo.

Saad ni Christian, “Di ba, sabi nila dati kay President, parang kakaiba siya, iba siya magsalita, parang hindi siya pormal? Noong sa eleksyon yun, ha.

“Ngayon naman, dahil nga sa SONA, kakaiba siya at hindi siya pormal, mas naiintindihan mo siguro yung gusto niyang sabihin, kasi napaka personal niyang sinabi.

“Of course, meron pa ring prompter, meron pa ring mga detalye, pero pag na-feel niya na hindi na kailangan ‘to, ‘Iakyat mo na kasi ito yung kailangang sabihin.’

“So, natuwa ako sa pag-deliver niya kasi Tagalog, English, konting Bisaya... na-deliver niya talaga sa buong Pilipinas.”

Pahayag naman ni Nyoy, “Sa totoo lang, I’m very hopeful.

“Every time naman na meron tayong bagong presidente, maraming promises, maraming plano and isa na naman ito.

“And somehow, I don’t know, for what reason, pero ano, I’m very… it’s looking very positive for me.

“Siyempre hindi lahat ng opinyon ng ating bagong presidente, hindi lahat nag-a-agree.

“Siyempre meron ding mga hindi.

“Pero ako, personally, naniniwala ako that if we just listen, and if we somehow take it as a call to be one, siguro ang kailangan lang naman talaga natin right now is to… maging isang nation talaga, kung paano natin talaga hinihingi noon na noon pa na maging isa tayo.

“Let’s cooperate.”

Dagdag pa niya, “I’m sure some of the ways na ipinapatupad ng ating presidente, hindi lahat mag-a-agree, pero makikita mo naman yung intentions niya is very, very good.

“I think pag tinitingnan mo kung bakit niya gustong gawin ito, is to make it a better Philippines.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ATTAINABLE? Ano naman ang mga punto sa SONA na nagustuhan nila?

Ayon kay Christian, “Yung mga highlights na nagustuhan ko talaga, yung ceasefire na yung war against NPA.

“Highlights din sa akin na finally ang Mindanao at Visayas, magkakaroon ng trains.

“Of course, given na yung problema ng Maynila, e.

“Kaya lang, nakaka-appreciate lang [sa mga] solusyon sa mga problema ng Maynila ay yung taga-Maynila, like yung airport, ililipat, good. Yung MRT, good.

“Mas naa-appreciate ko yung pati Visayas at pati Mindanao, matutulungan ng current administration na ito.”

Sabi naman ni Nyoy, “Marami, mostly on really small details.

“Yung sa tax. Siyempre, sa isang mamamayan na nagbabayad ng tax, that’s a very good news.

“And siyempre, yung sinasabi niya about the airport, baka masolusyunan, it might be a good idea.

“And yung drive niya against drugs, it’s very commendable.

“Yun nga, it might not be the way or the process we're looking for, but if you look at it deeply, makikita mo na ang gusto lang niya talaga is to rid the nation of drugs.

“And I think kailangan talaga sa atin maging isa tayo.”

Sa tingin ba nila, kahit hindi naman lahat, ay matutupad ni Duterte ang kanyang mga binitawang pangako?

Tugon ni Christian, “Alam mo, sabi ni President, yung ibang sinabi niya, maa-attain lang after six years kung kailan siya tapos.

“So, honest siya dun. Hindi siya yung, ‘Next year meron na ‘yan.’

“Honest siya dun. Pag wala na ako, uunlad na.'

“So, yun din ang naa-appreciate ko.”

Pagsang-ayon naman ni Nyoy, “Ako, I believe so. How? I don’t know, pero naniniwala ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN