Timothy Tan "problematic" about legal battle vs estranged wife Sunshine Dizon

IMAGE Mark Atienza

Kahit nagpaunlak ng panayam ang kanyang mga abugado, nanatiling tikom ang bibig ni Timothy Tan na pag-usapan ang custody case na inihain ng estranged wife niyang si Sunshine Dizon. Hindi rin nagsalita ang piloto sa paratang na hinack daw niya ang Instagram account ni Sunshine.


Muling nagkita ang aktres na si Sunshine Dizon at ang estranged husband nitong si Timothy Tan pagkatapos nilang maghiwalay.

Nangyari ang muling pagkikita ng dalawa sa hearing ng custody case na isinampa ni Sunshine para sa kanilang dalawang anak ni Timothy.

Ginanap ang hearing sa sala ni Judge Cleto Villacorta III ng Branch 29 ng Quezon City Regional Trial Court ngayong Huwebes ng hapon, July 28.

Matapos ang lagpas isang oras na closed-door hearing, naunang lumabas si Sunshine kasama ang abugado niyang si Atty. Claire Castro.

Nagpaunlak ng maiksing panayam si Sunshine kaya hindi muna lumabas ng receiving area ng korte si Timothy.

Pagkaalis ng Encantadia star, saka naman lumabas si Timothy kasama ang dalawa niyang abugado na sina Atty. Peter Sanchez at Atty. Ruth Castelo.

GAG ORDER. Dahil naglabas ang korte ng gag order, pinilit ni Timothy na hindi talaga magbigay ng anumang pahayag.

Sa halip, ang mga abugado niya ang nagsalita para sa kanya.

Sabi ni Atty. Castelo, “Siyempre, he' s problematic about the whole thing.

“Siyempre, stressed din siya. He's having sleepless nights over what happening.”

Ayon naman kay Atty. Sanchez, “We're glad na nag-uusap kami, we're hoping na ma-settle namin lahat.”

Sa pamimilit ng media, nagsalita pa rin kahit papaano si Timothy.

Aniya, “Actually, I cannot talk about anything.

“Nagbigay na ako ng statement, and that would be the first and the last na maibibigay ko.”

Tungkol naman sa mga anak nila ni Sunshine, ayaw ring magsalita ni Timothy.

Kahit mensahe ay ayaw nitong magbigay dahil nga raw sa gag order.

Hindi rin sinagot ni Timothy ang tungkol sa pangha-hack diumano niya sa Instagram account ni Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN