Sunshine Dizon optimistic about winning legal battle against estranged husband Timothy Tan

IMAGE Mark Atienza

Sunshine Dizon: "Galit ako sa sitwasyon. Hindi ko rin kayang patawarin ang ginawa sa akin. But I choose to move on because I will not allow that kind of toxic thing in my life to eat me up. I will not allow that."


Natuloy kaninang hapon, July 28, ang hearing ng habeas corpus na isinampa ni Timothy Tan kaugnay sa paghihiwalay nila ng asawang si Sunshine Dizon.

Nagkaharap ang mag-asawa sa sala ni Judge Cleto Villacorta ng Branch 229 ng Quezon City Regional Trial Court.

Pangalawang beses na itong paghaharap nina Sunshine at Timothy para dinggin ang naturang kaso.

Naunang dumating si Timothy na sinundan ng legal counsel niyang si Atty. Peter Sanchez. Sumunod naman ang isa pa niyang abugado na si Atty. Ruth Castelo.

Sina Sanchez at Castelo ay mga abugado rin ni Raymart Santiago sa mga kaso nila noon ni Claudine Barretto.

Si Sunshine naman ay dumating kasama ang abugado niyang si Atty. Claire Castro.

Pagkatapos ng hearing ng habeas corpus ay susunod na dapat ang pagdinig sa kasong Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) at concubinage na isinampa naman ni Sunshine laban kay Timothy at sa diumano'y kalaguyo nitong si Clarisma Sison.

Pero hindi na natuloy ang pagdinig ng dalawang kasong iyon dahil natagalan sa hearing ng habeas corpus.

Na-reset ang schedule ng hearing sa August 10.

JUSTICE IS MINE. Bago sila isinalang sa korte, nagpaunlak si Sunshine ng mabilisang panayam sa media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sabi ng Kapuso actress, naniniwala siyang makukuha niya ang katarungan sa ginawa sa kanya ni Timothy.

"I'm very hopeful for the case.

"We're fighting the good fight. It's up for the court to decide on it.

"I'm just really hoping that we'll get the justice what we deserve."

Bukas naman daw si Sunshine sa pakikipag-ayos sa kanyang asawa.

Pero diin niya, "Maybe for the children, yes. Pero yung sa amin, wala na po."

Nagpapasalamat daw siya dahil naintindihan ng dalawang anak nila ang sitwasyon pagkatapos niya itong ipaliwanag.

Sabi niya, "It's a little bit hard to explain to them.

"Pero I just explained that 'Daddy made a mistake and that he has to face the consequence of his action.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course, they feel sad that this happened."

Pinapayagan naman daw niya ngayong makausap ni Timothy ang mga anak nila sa telepono, pero hindi siya pumapayag na magkita sila.

Ito ang punto ng kasong isinampa ni Timothy dahil gusto raw niyang magkaroon ng sapat na panahon sa mga bata.

BEING STRONG. Inamin ni Sunshine na sobrang apektado siya sa nangyari, pero ngayon ay kailangan daw niyang magpakatatag.

"Hindi naman ako naging plastik na hindi ako nasasaktan.

"Hindi ako galit, but I choose to take out the negativity in my life and move on.

"Ayokong magpalamon sa mga pangit."

Dagdag pa niya, "Galit ako sa sitwasyon. Hindi ko rin kayang patawarin ang ginawa sa akin.

"But I choose to move on because I will not allow that kind of toxic thing in my life to eat me up. I will not allow that.

"I choose to move on."

Buo pa rin daw ang desisyon ni Sunshine na hindi niya ibigay o makipag-cooperate sa annulment na hinihingi ni Timothy.

Pahayag niya, "I will not do that.

"I will not go through this if that's the ultimate goal.

"No. I'm fighting for my right and they have to face this."

Desidido raw siyang ituloy ang kaso hanggang sa makuha niya ang katarungan sa ginawa sa kanya.

"Desisyon lang na pag lalaban, lalaban.

"Pag lumaban na, you just give it to the court.

"Gawin niyo lang yung dapat niyong gawin.

"I guess the next step will be take out all the negativity in your life and move on."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN