Luis Manzano on fighting back at bashers: "Harapan mo ako ng kabastusan, babastusin din kita."

IMAGE Noel Orsal

Luis Manzano on being inspired by Jessy Mendiola: "Nakikita naman ng mga tao na lahat ng ginagawa ko, I'm inspired. Obvious naman sa mga smile naming dalawa."


“Wala pa.”

Ito ang naging sagot ng Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano nang tanungin kung ano na ang estado ng relasyon nila ni Jessy Mendiola.

Pero sa kabila nito ay hindi naman niya itinatangging isa si Jessy sa nagbibigay ng inspirasyon sa kanya ngayon.

Sabi ni Luis, “Ikaw na nga ang nagsabi, ang daming nangyayaring maganda.

“Nakikita naman ng mga tao na lahat ng ginagawa ko, I’m inspired.

“Obvious naman sa mga smile naming dalawa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Luis sa taping ng kanyang game show sa ABS-CBN na Minute To Win It noong Lunes, July 25.

MAPAGPATOL. Hiningan din namin ng reaksiyon si Luis sa obserbasyon ng iba na mula raw nang maugnay siya kay Jessy ay nag-iba na ang kanyang ugali at lalong naging mapagpatol sa bashers.

Buwelta ng TV host-actor, “Oo naman… E, ako, mapagpatol ako, e.

“Mapagpatol talaga ako, dati pa mapagpatol talaga ako.

“Those people who really know me know that.

“Dati pang tinitira sa akin ng mga bashers ‘yan, mapagpatol daw ako.

“Kahit nung kami pa ni Jen [Jennylyn Mercado], ni Angel [Locsin], sabi mapagpatol daw ako; at mapagpatol pa rin ako hanggang ngayon.

“Anong nagbago sa akin? Lumalaban naman talaga ako.

“Sinabi ko dati pa na bastusin mo ako, babastusin kita.”

Patuloy ni Luis, “Sa akin naman kasi, kung ano ang ipinapakita mo sa akin, yun ang ipapakita ko sa iyo.

“But I’d like to think, on any given day, that I am an okay guy.

“Ayokong sabihin na mabait ako, I’m an okay guy.

“Harapan mo ako ng kabutihan, kabutihan ang isusukli ko.

“Pero harapan mo ako ng kabastusan, babastusin din kita.

“Bakit ako mambabastos sa taong mabait sa akin?”

TAKING OVER JESSY’S IG ACCOUNT. Sa isang interview kay Jessy ay nabanggit nitong pumayag siyang ibigay kay Luis ang password ng kanyang Instagram account upang i-block ang mga nangba-bash sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Luis, “Ako ang humingi, ayaw niyang ibigay.

“Password niya yun, bakit niya ibibigay?

“Katakut-takot na kulit bago niya ibinigay yun.

“Sabi ko, wala akong gagalawin sa mga messages, wala akong kahit na anong ganyan. Sabi niya, okay.

“I wanted to spare her and save her from all the hassle ng mga bashers, so inisa-isa ko, blinock ko.”

DINNER WITH ATE VI. Tinanong din namin si Luis tungkol sa pagbisita nila ni Jessy sa bahay ng kanyang ina na si Lipa City Representative Vilma Santos-Recto.

Read: Vilma Santos meets son Luis Manzano's rumored new GF Jessy Mendiola

Kuwento niya, “Dahil nga ang daming nangyari recently, so my mom said, since matagal ko siyang hindi nakita, ‘Why don’t you eat dinner at home? I am inviting Jessy.

“’I wanna meet her dahil gusto ko siyang kausapin. I'll check up on her dahil sa dami nga ng napupuntang negativity kay Jessy.’

“Ang sweet, ang sweet ni Mommy na she wanted to check on us.

“Kahit na seryosong topic, nandun na yung nagtatawanan lahat.

“We all know naman mommy ko ay napakakulit.”

Close na ba ang mommy niya at si Jessy?

Sabi ni Luis, “Mahirap naman yung close kaagad, pero tsinek talaga ng mommy ko how Jessy was doing.

“And I’m thankful din kay Mommy.”

Sinang-ayunan din ni Luis ang sinabi ng kanyang ina na “promo” ang paratang na third party sa breakup nina Luis at Angel si Jessy.

May lalabas kasing pelikula si Angel sa Star Cinema na ang titulo ay The Third Party, kasama sina Sam Milby at Zanjoe Marudo.

Sabi ni Luis tungkol dito, “Tama din naman kung promo man talaga.

“Huwag kaming idamay kung promo man talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN