Paolo Ballesteros to return to Eat Bulaga in August?

IMAGE Paolo Ballesteros Instagram

Hindi nagsalita si Paolo Ballesteros tungkol sa balitang babalik na siya sa Eat Bulaga! pagkatapos ng limang buwan na suspension.


Tikom ang bibig ni Paolo Ballesteros sa balitang babalik na siya sa Eat Bulaga! sa huling linggo ng Agosto.

Ito ay matapos ang halos limang buwan na suspension dahil sa kanyang Facebook rant laban sa organizer ng isang event na dinaluhan ng Eat Bulaga! hosts noong March 2016.

Read: Paolo Ballesteros suspended from Eat Bulaga over Facebook rant?

May kumalat kasi sa Twitter kamakailan na nakipag-meeting na raw si Paolo sa executives ng Eat Bulaga.

Ngunit nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung totoo ito, "Secret" ang sinagot niya sa aming mensahe.

Hindi rin nagbigay ng pahayag si Paolo tungkol sa nalalapit na pagbabalik niya sa Eat Bulaga! nang makausap siya ng PEP sa set ng pelikulang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?, na pinagbibidahan nila nina Dennis Trillo at Anne Curtis, noong Huwebes, July 28.

PAOLO'S DAUGHTER. Nonetheless, hindi naging maramot si Paolo sa pagkukuwento na malapit nang maging international child model sa Amerika ang kanyang 7-year-old daughter na si Keira.


US-based na ang anak ni Paolo at pumirma na ng kontrata sa BMG Models Global Management ang ina nitong si Kaye para sa international modelling career ng bata.

Nakita lang daw ng may-ari ng agency ang litrato ni Keira, pinapunta ang bata sa open call auditions, at makalipas ang isang linggo ay pinabalik siya para pumirma ng kontrata.


Samantala, nakatanggap naman si Paolo ng email mula sa mga producer ng E! Network series na Famously Single, VH1 series na Couples Therapy, at ibang mga programa para sa HBO, NBC, at Comedy Central.

Nakasaad sa email ni Damian Sullivan na napanood nito ang mga make-up transformation video ni Paolo at interesado silang bigyan ng television project ang talented Filipino actor-TV host.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN