Joseph Marco awestruck by Liza Soberano's beauty: "Siya yung pinakamaganda sa industry."

Joseph Marco on Dolce Amore co-star Liza Soberano: "Ang bait-bait niya, ang simpleng tao niya. Ang galing niya, very professional. At saka grabe, for me, siya yung pinakamaganda sa industry."


Itinuturing ng Kapamilya actor na si Joseph Marco ang Dolce Amore lead actress na si Liza Soberano bilang pinakamagandang female celebrity sa showbiz ngayon.

Hangang-hanga raw siya kay Liza dahil kahit sinong lalaki ay talagang magkaka-crush sa aktres.

“Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Liza?

“Alam mo yun? Ang bait-bait niya, ang simpleng tao niya.

“Ang galing niya, very professional. At saka grabe, for me, siya yung pinakamaganda sa industry,” sabi ni Joseph.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Joseph sa media set visit ng ABS-CBN teleseryeng Dolce Amore noong July 27 sa Star City.

Kung sakaling walang Enrique Gil sa buhay ni Liza ngayon, posible bang ligawan niya ang aktres?

Pag-amin niya, “She’s so young.

“Hindi ko masabi. I’m 27, and Liza’s like 18.”

THIRD WHEEL. Incidentally, ginagampanan ni Joseph sa Dolce Amore ang role ni River Cruz, ang bagong third wheel pagkatapos ni Gian Carlo (Matteo Guidicelli), na papagitna sa pag-iibigan nina Serena (Liza) at Tenten (Enrique).

Marami nga raw viewers ng Dolce Amore ang nag-welcome kay Joseph sa show.

Kuwento niya, “Nung trailer pa lang, talagang nag-flood yung Twitter ko.

“And somehow very welcoming sila. Siguro nga dahil sa takbo ng istorya na nahihirapan na talaga si Serena.

“Parang gusto nilang magkaroon ng something between River and Serena para ma-realize ni Tenten na, ‘Oy teka, mahal ko pala talaga itong si Serena.’”

NOT PICKY WITH ROLES. Hindi ba naging isyu kay Joseph na tanggapin ang role na third wheel?

Sabi niya, “You know what, marami ang nagtatanong sa akin niyan, e.

“Pero ang thinking ko kasi, yung mindset ko, parang... I’m an actor.

“So kung ano yung ibigay sa akin, gagampanan ko iyan.

“Ayoko namang ma-stuck up na mamimili lang ako sa role.

“So kung kaya ko at alam kong ready ako, gagawin ko iyan, whether it’s third wheel or whatever.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THANKFUL. Hindi ba siya nagkaroon ng bashers dahil sa pagiging third wheel niya sa sikat na love team ng LizQuen?

Pahayag niya, “Very minimal, e. Parang mga dalawa o tatlo lang ang nabasa ko.

“Iyon nga, very welcoming sila.

“And I’m so thankful and grateful to be a part of this show.

“Kasi alam naman natin na successful talaga ang Dolce Amore.

“Especially working alongside Liza and Enrique, it’s such a great opportunity.”

HAPPY WORKING WITH LIZQUEN. What’s best about working with Liza?

Pagmamalaki niya, “Wala siyang kaarte-arte, and she’s very natural.

“Makikita mo yung effort niya na pagandahin talaga yung eksena.”

How about Enrique?

Aniya, “Ganun din, same thing with Enrique. Alam mo yung kahit nakikita ko na kahit pagod siya, ibinibigay niya talaga. Nakakatuwa lang to work with amazing people like them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN