Joem Bascon mulls doing freelance projects with GMA-7

IMAGE Noel Orsal

Versatile character actor Joem Bascom is not making a major move from Star Magic, he's getting antsy and seeking project opportunities in other networks: "Hindi naman na ako bumabata. I'm not saying na lilipat ako. Kung mabigyan ako ng go-signal, why not? Why not, kung gagawa for 7, kung gagawa for 5, why not, di ba?"


Masaya si Joem Bascon sa kanyang mga projects sa ABS CBN.

Pero ikatutuwa raw niya kung mabibigyan siya ng pagkakataong makapagtrabaho sa GMA Network.

“Siyempre, hindi naman natin sinasarado yung pintuan to offers na manggagaling kahit kanino.

“Para lang ding pelikula 'yan, e, kung gagawa’t gagawa ka.

“Gumagawa naman ako, e, for GMA Films, for Regal.

“Yung first ever movie ko with Iza [Calzado], co-produced ng GMA Films, yung Batanes.

“After that, alam ko may mga iba akong ginawa with GMA Films.

“Mostly naman din, like with Regal, mostly mga artist na kinukuha nila halo ng Siete at Dos.

“So, hindi naman ako nagsasara.

“Yung ibang artista, gusto kong maka-work, kaya lang siyempre nasa Siete sila.”

Nakagawa na raw siya ng proyekto para sa GMA-7, pero bata pa raw siya nun.

Kuwento ni Joem, “Mga ano pa yun, blocktimer, siyempre Maynila, di ba, lahat gine-guest dun?

“Pero yung talagang guestings with mga teleserye, sa mga drama shows nila, hindi pa.

“Kahit nga yung sa GMA News TV, di ba, meron din dun mga Wagas, Karelasyon, yun.

“So, I’m waiting for the chance, kung hindi man sa teleserye sa other, puwede din naman sa pelikula.

“Pero kung ano po yung offer na ibigay sa akin, tatanggapin ko naman.”

STAR MAGIC. Walang exclusive contract si Joem sa ABS CBN, pero nakakontrata siya bilang artista sa Star Magic.

“Basically with Star Magic, mas siyempre prioritized nila for Kampamilya shows, e.”

So, hindi siya puwedeng tumanggap ng project mula sa GMA-7?

Ayon kay Joem, “Merong mga nagti-text, may nag-o-offer, pero tinatanong ko lagi sa Star Magic.

“Hindi pa daw po time, madami pa kasing… manager ko ang may alam nun, kung ano yung mga naka-lineup, kung ano yung mga offers.

“Pero, di ba, hindi naman na ako bumabata...

“I’m not saying na lilipat ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi andito naman tayong lahat sa iisang industriya ng acting, ng showbiz.

“Kahit saan ka gumawa, okay din naman, kung mabigyan ako ng go-signal, why not?

“Why not, kung gagawa for 7, kung gagawa for 5, why not, di ba?”

Gaano ba siya kasaya sa ABS-CBN ngayon?

Sagot niya, “Masaya po ako with ABS, with the work and the offers na ibinibigay po nila… masaya naman po ako.

“Tsaka hindi ko naman ipinagmamayabang, pero I’m very blessed lang na, at least, hindi ako nawawalan ng work with them.

“Talagang nabibigyan pa rin nila ako ng… at least andun pa rin yung name ko na kapag nag-iisip sila ng for a role. Naiisip pa rin po nila ako.

“So I’m very, very happy with them.”

OUT OF PIOLO’S SHADOW. Noong bagong pasok si Joem sa showbiz ay ikinumpara agad siya kay Piolo Pascual dahil magkamukha sila

Pero dahil napatunayan niyang mahusay rin siyang artista, nakawala si Joem sa anino ni Piolo.

Saad niya, “Siyempre happy ako nung una, na nako-compare.

“Pero nung tumatagal, medyo nahihirapan na makawala, nung una.

“Nakagawa naman kami ng paraan na makalayo dun sa pagiging anino, kung tatawagin na anino ni Piolo.”

Paliwanag niya, “I think it’s more of… kasi yung mga roles ko, mas daring, mas may freedom ako to do any role.

“Hindi ko naman inaano, with Piolo kasi, it’s more of siyempre siya yung ultimate matinee idol natin, e.

“Talagang siya yung peg natin, ng lahat ng lalaking papasok sa showbiz.

“Talagang ang sasabihin, 'gusto kong maging Piolo Pascual,' yung ganun.”

Malayo nga sa ginagawa ni Piolo ang usual roles na ginagampanan ni Joem.

Aniya, “Hindi naman po sinadya… siguro yung mga offer lang na dumadating para sa akin is mas daring.

“Hindi ko naman masasabing mas mabigat.

“Every actor, yung pinagdadanan niyang mga characters, lahat mabigat yun, mahirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For me kasi, mas na-incline ako with being… parang kontrabida, with being the antagonist.

“[Or] doing the third sex, bading role.

“Iyon siguro ang naging edge ko lang in the ten years na ginagawa ko yun sa career ko.

“And I’m happy naman to do everything na ganun, at least I get to try different roles.

“Hindi man ako maging matinee idol, e, kaya ko namang gumawa ng character roles.

“Matutuwa din naman kayo sa mga work ko.”

Mas mahalaga kay Joem na maging aktor kaysa maging matinee idol?

Pahayag niya, “Every actor naman, meron silang choice to be an actor, to be a matinee idol.

“Parang sa Hollywood, yung iba nagiging aktor, tapos habang tumatagal, nakikilala mo siya na parang pang-love story pala.

“Yung iba naman nag-start sa love story, nagiging character actor naman siya.

“Merong dadating sa point na magiging character actor ka.

“Meron din dadating sa point siguro na mabibigyan ka naman ng break to be the leading man, to be the matinee idol.

“So, ayun, happy kung ano man yung maibigay at mai-offer na trabaho, tatanggapin ko naman.”

Si Joem ang gaganap na asawa ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa Kusina na entry sa 2016 Cinemalaya Independent Film Festival.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN