Karla Estrada says Melai Cantiveros will hurdle marital woes: "Magaling yun sa buhay."

IMAGE Noel Orsal

According to Rommel Padilla, Karla Estrada will always be the greatest love of his life. Karla reacts, "Huwag niya akong charcharin!"


Magkakasama sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal sa Magandang Buhay, ang daily morning show ng ABS-CBN.

Si Melai ay may pinagdadaanan ngayon sa buhay mag-asawa nila ni Jason Francisco.

May ipinapayo ba si Karla kay Melai bilang marami na rin siyang pinagdaanan sa buhay?

“Naku, magaling yun!” mabilis niyang pag-depensa kay Melai.

“Gaganun-ganun lang, mukha lang luka-luka yun, pero magaling yun sa buhay.

“Hindi mo siya kailangang… and si Melai, siya yung tipong pag gusto niya, hindi baleng magdildil ng asin.

“Wala siyang pakialam sa lahat…

“Halos kaming tatlo, pare-pareho, na ang importante, pamilya.

“Maubos na lahat ng kaibigan, matira lang ang pamilya, okay ako, okay kami.

“Pare-pareho kaming galing sa wala, e, so hindi kami natatakot mawalan.

“Ang ikinakatakot ko lang na mawalan at bumalik sa hirap ulit, dahil may mga anak na ako.

“At iyon ang ayokong maranasan nila kaya ako, nag-iimpok nang bonggang-bongga!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karla sa taping ng comedy show na Funny Ka, Pare Ko, sa studio ng ABS-CBN, noong July 25.

GREATEST LOVE. Samantala, hningan din namin ng reaksiyon si Karla sa sinabi ng dati niyang karelasyon na si Rommel Padilla na siya ang greatest love nito, kahit iniwan siya ng actress-TV host.

Si Rommel ang ama ng anak ni Karla na si Daniel Padilla.

“Sabi ba niya? Yung ako yung nang-iwan, naniniwala ako dun!

“Pero yung ako yung greatest love niya...

“Sabi nga ni Melai, e, huwag niya akong charcharin!” natatawang sabi ni Karla.

Patuloy niya, “Hindi ko naman… hindi naman iniwan na iniwan.

“Kumbaga, nagdesisyon akong lumayo nung ako’y five months na pregnant kay Daniel.

“May ibang mundo sila nun, at alam naman na natin kung ano.

“Ayokong sumama dun sa mundo nila na yun.”

Nanalo si Rommel as board member sa first district ng Nueva Ecija nitong nakaraang eleksyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, oo, number one siya,” may pagmamalaking sabi ni Karla.

Sinuportahan daw nila ni Daniel si Rommel sa kampanya nito.

“Of course! Si Daniel, nagpunta dun, dalawang beses niyang inuwian ang tatay niya.

“Sa Nueva Ecija, sa Cuyapo.

“Cuyapo kasi, pag board member ka, buong province yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN