Christian Bautista considers girlfriend Kat Ramnani as Miss Universe of his life

IMAGE Glen P. Sibonga

Christian Bautista is having a ball in his career, with his family, and in his love life. But how to make it last is the hard part. "Gusto kong isipin na daily… how to make your day the best day of your life every day? if I keep that mindset kahit napakadaming pressure, I think I'll get by just fine."


Wala raw dahilan para magselos ang non-showbiz girlfriend ni Christian Bautista na si Kat Ramnani kahit pa magagandang babae ang nakakasama ng Kapuso singer-actor.

Katulad na lang ni Miss Universe Philippines 2014 Mary Jean “MJ” Lastimosa, na kasama ni Christian bilang Smart Bro ambassadors o Smart Brokadas, kung saan kabilang din sina Michael Pangilinan at Gretchen Ho.

Sabi ni Christian, “Okay naman, hindi naman siya nagseselos.

“Naiintindihan naman niya and she knows naman na this is my work.

“There’s no reason really to get jealous, no problem naman.”

Pahabol pa niya, “Never pa naman siyang nagselos.”

Pero bago pa pala makasama ni Christian sa Cebu si MJ ay may isa pang beauty queen siyang naunang nakasama sa Bohol leg ng Brokada Roadtrip.

“The last time kasama ko si Miss Bohol naman,” aniya.

Biniro tuloy namin si Christian na panay beauty queens yata ang nakakasama niya.

“Yeah, sanay na naman!” pabiro ring pahayag ni Christian sabay tawa ng malakas.

At para kay Christian, si Kat daw ang Miss Universe ng buhay niya ngayon.

Kaya hanggang paghanga na lang daw ang magagawa niya para sa ibang beauty queens.

Higit din daw sa magagandang babae, may iba pang mas ine-enjoy si Christian sa kanilang Brokada Roadtrip.

Aniya, “Ang sarap sa mga ganitong road trip you get to travel, you get to eat.

“You get to sing, which every singer loves to do, ang sarap.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa presscon ng Smart Brokada Roadtrip to Cebu sa Caf Breeze ng Bayfront Hotel sa Cebu noong Sabado, July 30.

Kasama niya sa presscon si MJ at ang PLDT Vice President and Home Marketing Director na si Gary Dujali.

FAMILY BONDING. Paano niya ide-describe ang relationship nila ni Kat?

“We’re very open. And then we love food. We love to travel, as well. It’s been very good so far.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi nga raw niya na si Kat ang best girlfriend para sa kanya.

“Yeah, I guess so, in terms of openness and communication.”

Samantala, natutuwa si Christian na naka-bonding na ng pamilya niya ang kanyang girlfriend.

“They get along very well, my family, yung brothers ko.

“What we especially love to do is sports, she plays sports as well, she’s a great tennis player.

“There was a day na nag-tennis kaming lahat, buong pamilya.

“At ang galing niya, sobrang galing.”

How about bonding naman niya sa pamilya ni Kat?

“Iyon pa ang hindi namin nase-set, actually.”

BEST DAY EVERY DAY. Maganda nga ang estado ng buhay ngayon ni Christian.

Maayos ang kanyang career, mabuting buhay ang tinatamasa niya kasama ang pamilya, at masayang love life.

Komento ni Christian, “Ang gusto ko isipin… kasi pag sinabi ko na ngayon na ang height or the most happy, baka pababa na.

“So, gusto kong isipin na daily… even though sometimes it’s hard.

“How to make your day the best day of your life every day?

“Even if it’s a rough start sa umaga, how can you make it still a good day in the end or kahit tomorrow?

“How you can make it a good day tomorrow kahit mahirap?

“And if I keep that mindset kahit napakadaming pressure, I think I’ll get by just fine.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN