Jerome Ponce hits back at bashers who accuse him of being a user

IMAGE Noel Orsal

Hindi na nakatiis si Jerome Ponce at rumesbak na sa mga nangba-bash sa kanya. Hindi rin daw niya kailangang i-please ang lahat ng tao.


Tila hindi na natiis ng Kapamilya young actor na si Jerome Ponce ang pangba-bash sa kanya ng ilang netizens.

Nag-ugat ito sa pagpasok niya sa Pinoy Big Brother house bilang guest upang makipag-ayos sa ex-girlfriend na si Elisse Joson, isa sa mga housemate ngayong season.

Si Jerome ang tinutukoy ni Elisse na unang ‘J’ sa buhay niya na labis siyang nasaktan.

Read: Elisse Joson tearfully opens up about three Js who caused her heartbreak

Inamin din ito ni Jerome sa pakikipag-usap niya kay Big Brother.

Naging maayos daw ang relasyon nila, ngunit umabot sa puntong kailangan niya itong itago sa publiko dahil sa kanyang trabaho sa showbiz.

Dahil dito, pinutakti ng bashers si Jerome.

Ikinainis naman nang husto ng Kapamilya actor ang akusasyong "manggagamit" siya at "malandi" si Elisse.

Saad ni Jerome sa kanyang post sa Instagram nitong Lunes, August 1: “Para sa mga walang alam na feeling may alam po...

“Eto oh some time before pa yung commercial. I hope natutuwa pa kayo sa mga sinasabe niyo...

“Dame niyo po kasing alam... Hilig niyo manghusga akala niyo kayo walang problema...

“Di ko na kelangan ipakita at ikwento lahat sa inyo.

“Una yung iba iniisip malandi siya, manggagamit siya, ngayon may masabe naman kayo ako naman manggagamit...

“No need seryoso…”

Katulad ng ibang artista, sinabi rin ni Jerome na hindi niya kailangang i-please ang lahat.

“And i don't need one of your comments. I don't live to please each one of you.

“Kayo pumasok sa industriya kung gusto niyo. Alam niyo naman pala lahat eh.”

Kasalukuyan pang umeere ang pagpasok ni Jerome sa PBB Lucky Season 7 edition pero maaring nakalabas na siya sa bahay dahil nakapag-post na siya.

Si Elisse ay nakilala sa publiko simula ng umere ang hugot commercial niya noong iniwan siya ng kanyang boyfriend sa isang fastfood chain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN