Bea Alonzo not closing doors on reconciliation with Gerald Anderson

IMAGE Mark Atienza

Bea Alonzo on possible reconciliation with ex-boyfriend Gerald Anderson: "Hindi namin minamadali. Hindi pa... wala pa kami dun, kasi andun pa rin kami sa stage na parang I'm still getting to know him. Kasi, six years ang nagdaan and it was a short relationship, although intense, pero short. So, hindi ko siya gaanong nakilala, pero ngayon, mas nakikilala ko siya."


Matapos nilang gawin ang pelikulang How To Be Yours, na palabas pa rin hanggang ngayon sa mga sinehan, hindi itinanggi ni Bea Alonzo na mas lumalim ang pagiging magkaibigan nila ng kanyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson.

Pahayag ng Kapamilya actress, “Yes, before, I remember when we broke up, we became strangers, halos hindi kami nagpapansinan.

“Alam naman ng marami 'yan.

“Ang ganda, kasi ngayon, nabalik yung friendship at, kumbaga, mas naging comfortable kami sa isa't isa.”

Hindi ba siya naiilang kapag sa halos lahat ng panayam sa kanila ay laging pinag-uusapan ang tungkol sa kanilang nakaraan?

Tugon ni Bea, “Nung una… hindi naiilang dahil sa amin.

“Hindi naiilang dahil ayaw naming sabihin or... my God, six years ago na yun!

“Naiilang kami nung una, dahil hindi kami sanay na magkatabi kami sa iisang lugar na kaharap ang lahat.

“Kasi nga, dati, itinatago namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea sa pictorial para sa Star Magic 24th anniversary, na ginanap sa 4th floor ng ELJ Building, sa ABS CBN compound, nitong Linggo, July 31.

SECOND CHANCE. Ang tanong ng marami ngayon ay kung may second chance ba para sa kanilang dalawa.

Lalo na nga't marami ang nakakapansing mas mature na sila ngayon, at halatang nandun pa rin naman ang kilig nila sa isa't isa.

Saad ni Bea, “Ngayon kasi, hindi namin minamadali ang mga bagay-bagay.

“Hindi naman namin minamadali kasi ito ang moment na hindi namin pinagdaanan before – friendship first.

“Pero ngayon na openly nakakalabas kami, openly ay nasasabi namin yung nararamdaman namin, openly ay kaya ko siyang tingnan... dati bawal.

“So, one day at a time.

“Kung magkakarelasyon kami in the future, hindi ko alam.

“Kung hindi, hindi ko rin alam.”

Dugtong pa niya, “I mean, ang daming bagay na nangyari sa buhay ko, lalo na sa taong ito na ang daming nagbago na hindi ko akalain na mangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I can't really tell."

NANGHIHINAYANG. Sa mga panayam naman kay Gerald, sinabi nitong iniyakan daw talaga niya ang nangyari sa kanila ni Bea noon.

Ano ang masasabi niya rito?

Saad ng 28-year-old actress, “Alam ko naman yun, e.

“Hindi ko alam kung paano ako magri-react.

“Ang pangit naman kung sasabihin kong hindi ako kinilig dun sa sinabi niya.

“Kinilig naman ako dun sa sinabi niya na pinanghihinayangan niya ako.”

Sa ngayon ba ay may nakikita siyang effort mula Gerald na gusto nitong muli siyang ligawan?

Ayon kay Bea, “Hindi effort.

“Actually, kung may beauty nga sa nangyari ngayon, walang effort.

“It all happens naturally, which is a good thing.

“Dahil sa ganitong edad ko, ayoko na yata na puro efforts, puro pretensions, di ba? Tapos na ako dun.

“So ngayon, nandun lang ako, sa kung ano ang totoo, sa kung ano ang nangyari.

“Hindi para i-deny o kung....”

GETTING TO KNOW EACH OTHER. Kung sakali bang maging sila ulit, handa ba siyang ilantad ito sa publiko unlike before na talagang itinago nila?

Sagot ni Bea, “Oo naman, walang masama.

“Pero yun nga, e, hindi namin minamadali.

“Hindi pa... wala pa kami dun, kasi andun pa rin kami sa stage na parang I’m still getting to know him.

“Kasi, six years ang nagdaan and it was a short relationship, although intense, pero short.

“So, hindi ko siya gaanong nakilala, pero ngayon, mas nakikilala ko siya.”

May pag-asa ba sa kanya si Gerald kung talagang i-pursue ulit siya nito?

Tugon ng aktres, “Sa kanya? Hindi ko pa masabi, hindi ko pa talaga siya masabi.

“Depende sa araw-araw na naramdaman natin ngayon, kung ano ang ibinabato, sa lahat ng pagsubok o happiness.

“So, hindi ko pa alam.

“Right now, I am super enjoying my time with him, masaya ako na kasama siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN