Rufa Mae Quinto is pregnant!

by Arniel C. Serato
Aug 2, 2016
Buntis na si Rufa Mae Quinto sa panganay nila ng fiancé na si Trevor Magallanes. Nakatakdang ikasal ang dalawa sa Nobyembre.

Nagdadalantao na ang comedienne na si Rufa Mae Quinto sa panganay nila ng kanyang fiance na si Trevor Magallanes.

Ito ang inanunsiyo ni Grace Lee, matalik na kaibigan ni Rufa Mae, sa Instagram.

Sa kanyang post ngayong hapon, August 2, sinabi ng TV5 talent na, “Nothing better on this rainy afternoon than pigging out with this glowing pregnant lady @rufamaequinto 3 cups of rice for us two.”

Pero hindi pa sinabi ni Grace kung ilang linggo o buwan na ang ipinagbubuntis ng kaibigan.

Nakatakdang ikasal si Rufa Mae kay Trevor sa Nobyembre.

Read: Rufa Mae Quinto on fiance Trev Magallanes: 'Destiny, choice, and love!'

Samantala, naging malapit sa isa’t isa sina Grace at Rufa Mae nang nagkasama sila sa early primetime show ni Willie Revillame noon sa TV5 na Wil Time Bigtime (2012).

Ang iba pa nilang mga naging co-host ay sina Mariel Rodriguez, Shalani Soledad, at Camille Villar.

Nitong nakaraang Mayo ay nag-reunion silang lima para sa ika-38 kaarawan ni Rufa Mae.

Continue reading below ↓

Read: LOOK: Wil Time Bigtime ladies reunite for Rufa Mae's birthday

Read Next
Read More Stories About
Rufa Mae Quinto
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Buntis na si Rufa Mae Quinto sa panganay nila ng fiancé na si Trevor Magallanes. Nakatakdang ikasal ang dalawa sa Nobyembre.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results