Judy Ann Santos on Maine Mendoza: "Huwag natin siyang angkinin. We don't own her."

IMAGE Noel Orsal

Judy Ann Santos on Maine Mendoza: "Kumbaga, huwag natin siyang angkinin. We don't own her. Maine doesn't owe anything from anybody."


May payo si Judy Ann Santos kay Maine Mendoza tungkol sa pagiging artista, bashers, at sa showbiz.

Magkasama si Maine at ang ang asawa ni Judy Ann na si Ryan Agoncillo sa noontime show na Eat Bulaga.

Gayunpaman, hindi pa raw niya nakakaharap si Maine, hindi kagaya ng ka-love team nitong si Alden Richards.

“I haven’t met Maine personally. Si Alden pa lang ang nakakasama namin.

“Nag-breakfast na siya sa bahay, nagkaka-gym kami together,” sabi ng aktres.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng press si Judy Ann sa special screening ng kanyang upcoming Cinemalaya movie na Kusina, na ginanap sa Directors Club cinema sa SM Megamall, ngayong Martes, August 2.

Bilang matagal na rin siya sa industriya, naiintindihan daw ni Judy Ann ang mensaheng nais iparating ni Maine sa blog post nitong “That’s how it works.”

Sa naturang blog ay inihayag ni Maine ang kanyang saloobin tungkol sa pagpapasaya sa ibang tao.

Read: Maine Mendoza: 'I would never change who I am just to conform.'

Pahayag ni Judy Ann tungkol dito, “With Maine, I totally understand where she’s coming from, kasi hindi naman talaga siya nanggaling sa pagiging artista, di ba?

“Biglaan lahat ito sa kanya so nakaka-overwhelm ang buhos ng atensiyon sa kanya and everybody is expecting so much from her.”

Sinabi rin ni Maine sa kanyang blog na hindi niya babaguhin ang kanyang sarili at pagkatao para lang sa kasiyahan ng ibang tao.

Reaksiyon ni Judy Ann, “Siya bilang tao, bilang bata, parang nadi-deprive na siya ng mga bagay na gusto niyang gawin personally.

“Nadya-judge siya sa mga ginagawa niya kasi people are expecting so many things from her, and hindi siya dapat magpa-pressure sa ganun.”

Sang-ayon din ang Teleserye Queen sa tinuran ni Maine na hindi niya babaguhin ang sarili para sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tama naman sa sinabi niya na, ‘Ako ito. Tanggapin niyo ako kung sino ako.’

“Huwag nating baguhin ang bata. Yun siya.

“Kasi pag binago natin ang isang tao, magiging malungkot siya.

“Kumbaga, huwag natin siyang angkinin. We don’t own her.

“Maine doesn’t owe anything from anybody.”

Sabi pa ni Judy Ann, isa sa mga nagustuhan ng mga tao kay Maine ay ang pagpapakatotoo nito.

“Kung yun ang nagustuhan sa kanya, huwag siyang baguhin kasi tao lang siya.

“Hindi naman siya manika na binuo sa factory at puwedeng baguhin anytime they want.

“If they really love Maine, as supporters, they have to understand where she’s coming from.

“Kung bashers naman sila, ang magiging payo ko lang kay Maine, bashers will always be bashers.”

‘MADAMING PLASTIK SA SHOWBIZ.’ Ang isa pang tinukoy ni Maine sa kanyang blog ay ang pagkakaroon ng di totoong tao sa showbiz o kung tawagin ay plastic.

Pagsang-ayon ni Judy Ann, “Oo naman. Hindi ito showbiz kung walang plastic.

“Nasa iyo yun kung paano mo hihimayin ang mga plastic sa mga totoo.

“Kasi hanggang sa pinaka-most vulnerable moment mo, na akala mo yung taong katabi mo, e, totoo na sa ‘yo, magugulat ka. Yun pala ang pinaka-plastic sa ‘yo.”

Kaya naman payo niya kay Maine, “She needs to brace herself for more roller-coaster rides. Because this is how show business works.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN