Aiza Seguerra slams basher for posting vulgar reply to Liza Diño on Facebook

IMAGE Mark Atienza

Aiza Seguerra's warning to bashers: "Napakalakas ng loob ninyong mga bastos kayo. Dahil ano? Facebook lang? Akala niyo hindi namin mababasa? Iisa-isahin ko kayon nga bastos kayo ng makita ng lahat ng tao kung ano ang pinagsasabi ninyo sa aming mag-asawa."


Kinondena ni Aiza Seguerra ang basher sa Facebook na nambastos sa kanyang lifetime partner na si Liza Dino.

Sa kanyang Instagram post kagabi, August 2, ibinahagi ni Aiza ang larawan ng netizen na nag-iwan ng hindi magandang pasaring tungkol sa gender preference ng celebrity couple.

Lalo pa’t wala raw kinalaman ang komento ng netizen sa Facebook post ni Liza tungkol sa kadalasang pagbansag na “drug-related” o “extrajudicial killings” sa napapabalitang krimen sa bansa.

Buwelta ni Aiza sa basher ni Liza: “My wife wrote something on Facebook at as usual, kagaya ng ibang mga posts niya, na grab ito ng iba't ibang news sites.

“Wala naman problemang magkakaiba tayo ng opinyon, Bryan Harris Richard (kung yan man ang totoo mong pangalan).

“Pero para bastusin mo ang asawa ko dahil hindi ka sang-ayon sa kanya, ipinapakita mo lang na wala kang pinag-aralan at isa kang walang kwentang tao.”

Ayon pa kay Aiza, hindi na siya magsasawalang-kibo sa mga natatanggap na pambabastos sa kanya o kay Liza sa social media.

Ito raw ay paraan upang ipakita ang kanyang paninindigan, at upang puksain ang pagiging talamak ng cyberbullying.

“Napakalakas ng loob ninyong mga bastos kayo. Dahil ano? Facebook lang?

“Akala niyo hindi namin mababasa? Iisa-isahin ko kayong mga bastos kayo nang makita ng lahat ng tao kung ano ang pinagsasabi ninyo sa aming mag-asawa.”

Babala pa ni Aiza sa ibang bashers, “Magmula ngayon, ipo-post ko lahat ng kabastusan na sinasabi ninyo tungkol sa amin.

“Pati picture niyo popost ko. Pati pangalan niyo. Iisa isahin ko kayo.”

Ang tinukoy ni Aiza at Liza na basher ay siya ring netizen na nag-iwan ng hindi magandang komento sa viral Facebook post ng isang flight attendant na nasampal ng pasahero kamakailan.

Narito ang screen grab ng Instagram post ni Aiza, Martes ng tanghali, August 2:

Narito ang isa pang Instagram post ni Aiza hinggil sa cyberbullying:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

About Cyber Bullying

A photo posted by Ice Dio Seguerra (@iceseguerra) on

Nauna nang nailathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang opisyal na pahayag ni Liza hinggil sa netizen na nambastos sa kanya.

Read: Liza Dino fires back at bashers for lewd comments about her and Aiza Seguerra

Sumunod ang panayam ng PEP kay Aiza na nagsabing kaya niyang tumanggap ng anumang pambabatikos, pero kung ang partner niyang si Liza ang binastos ay ibang usapan na.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN