Meg Imperial denies snubbing fans at Selena Gomez concert

IMAGE @megimperial Instagram

Inalmahan ni Meg Imperial ang akusasyon ng isang netizen na "mayabang" siya. Kaugnay ito ng insidente kung saan tinakbuhan diumano ni Meg ang ilang fans na nagpapakuha ng larawan sa kanya noong gabi ng concert ni Selena Gomez sa Mall of Asia Arena.


Inalmahan ni Meg Imperial ang akusasyon ng isang netizen na “mayabang” siya.

Kaugnay ito ng insidente kung saan tinakbuhan diumano ni Meg ang ilang fans na nagpapakuha ng larawan sa kanya noong gabi ng concert ni Selena Gomez sa Mall of Asia Arena.

Hirit ng isang netizen na may handle name na @sportscargasm: “Isa lang ibig sabihin niyan. Mayabang tong babae nato.”


MEG: NOT TRUE! Agad namang nilinaw ni Meg ang impresyong may tinakbuhan siyang fans.

Sabi ni Meg: “@bryanlaoph I r[a]n? No one taking pictures nun. I maybe rushing to the restroom. And @sportscargasm i have a name.

“Mayabang? You judged people without thinking twice.

"One action can speak thousands of reasons. But thank you for the effort sa comment.”

May isa namang netizen ang nagkomentong karapatan din ng isang artista na magkaroon ng privacy.

Lalo pa’t hindi para sa trabaho ang pagnood ni Meg ng concert ni Selena.

MISCOMMUNICATION. Marahil ay sa pagmamadali ni Meg ay hindi niya napansin na dinepensahan lang siya ng naturang netizen at hindi inaakusahan ng kung anuman.

Sabi ni Meg: “@asherlockholmes You mean to say I can't post when I’m home? Private pa rin naman yun. Di ko naman po pinost address ko. I know privacy dear. I'm sure hindi mo alam life ko. So, I guess I’m good about privacy. ??????????”

Sa huli, nagkalinawan din si Meg at ang netizen na si @asherlockholmes.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN