Liza Soberano assures Piolo Pascual there's nothing to worry about

IMAGE Liza Soberano Instagram

Liza Soberano to Piolo Pascual: "It's nothing to worry about. Hindi naman ganun ang tingin ko sa iyo and I'm sorry kung yung fans, kung yun ang sabi sa iyo."


Ibinahagi ni Liza Soberano sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang naging pag-uusap nila ni Piolo Pascual kaugnay ng isyung kinasasangkutan nila.

Matatandaang inamin ni Piolo sa isang interview na nababahala siya sa mga negatibong komento mula sa LizQuen fans pagkatapos niyang sabihin na humahanga siya sa kagandahan ni Liza at gusto niya itong makapareha.

Sa nasabing panayam din ay binanggit ni Piolo na humingi siya ng paumanhin kay Liza at sa ka-love team nitong si Enrique Gil dahil naging iba ang dating ng kanyang sinabi.

Pinalabas kasi sa ibang write-ups na may halong malisya ang pagkakasabi ni Piolo na may paghanga siya kay Liza.

Read: Piolo Pascual gets bashed by LizQuen fans over his statement about Liza Soberano

Sa presscon niya bilang bagong endorser ng Maybelline, sa Green Sun Hotel, sa Makati City, kahapon, August 3, ay inilahad ni Liza ang pagkikita ni Piolo pagkatapos lumabas ng isyu.

Saad ng Kapamilya actress, “Kasi nag-text ang handler ko before ASAP, nung anniversary [July 31].

“Sabi niya naiilang daw sa akin si Piolo tapos parang ayaw daw niyang lumapit.

“Hindi ko naman alam kung bakit, hindi ko na rin tinanong ang handler ko.

“Nasa backstage kami, napansin ko, katabi ko siya [Piolo], hindi talaga siya nagha-hi.

“Usually kasi pag siya ang nakakita sa akin, nagha-hi agad yun, pero ngayon hindi.

“Sabi ko, ‘Oo nga, nahihiya nga siya.’

“Lumapit ako, sabi ko, ‘Kuya Piolo.’ Sabi niya, ‘Hi Liza.’

“Tapos sabi ko, ‘Balita ko po nahihiya daw po kayo sa akin, bakit po?’

“Sabi niya may mga naisyu kasi na reports, hindi ko naman alam kung ano, basta nahihiya daw siya.

“Sabi ni Quen kasi, it was very offensive, na ang dating, para siyang maniac.

“Sabi ko, ‘It’s nothing to worry about. Hindi naman ganun ang tingin ko sa iyo and I’m sorry kung yung fans, kung yun ang sabi sa iyo.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balak ba siyang kausapin ang ilan sa LizQuen fans na maaaring kabilang sa nang-bash kay Piolo?

Tugon ni Liza, “I would like to. I would like to maybe later when I got the chance to meet and be with them.”

SELENA CONCERT. Samantala, sinagot din ni Liza ang paratang na ‘fake Selena fan’ siya pagkatapos lumabas sa social media ng larawan niya kasama ang American singer na si Selena Gomez.

Kuha ang nasabing larawan sa backstage ng MOA Arena pagkatapos ng concert ni Selena noong Linggo, July 31.

Read: Liza Soberano meets American pop singer Selena Gomez

Kuwento ni Liza, “Cute lang kasi nandun ako, nag-aantay lang ako, nahihiya kasi akong lumapit.

“Sabi niya, ‘Can I get a hug?’ Lumapit ako, hinug ko siya.

“Sabi ko, ‘I love you so much.’

“Tapos sabi niya sa akin, ‘You’re pretty, babe.’

Sabi ko, ‘Thank you so much.’”

Tungkol naman sa paratang sa kanya na 'fake Selena fan,', sabi ni Liza, “Natatawa lang ako, they are getting mad at me because I saw Selena.

“It doesn’t make sense why you’re getting mad because I am happy, di ba?

“Wala lang, pinatulan ko lang, dahil sabi niya ‘fake fan.’

“Natatawa lang ako kaya sinabi ko, hindi ako fake fan.

“Kasi dati pa lang, I was a huge Jelena [Justin-Selena] fan, especially Selena, kasi mas una naman siyang nakilala kaysa kay Justin Bieber.

“I watched all of her shows, like Wizards of Waverly Place, her movies.

“I would buy all her albums, you could even ask my fans, they were going to get me tickets for her concert that she’s going to have here before, pero hindi natuloy.

“It was my 16th birthday gift.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN