Marian Rivera treats husband Dingdong Dantes to a boodle fight on his birthday

IMAGE Marian Rivera Facebook

Marian Rivera on her birthday wish for husband Dingdong Dantes: "Ang birthday wish ko sa kanya, maging safe siya palagi. Kasi ngayon, nagta-triathlon naman siya. Nagba-biking siya. Nagwu-worry ako sa kanya. Pero lahat naman ng gusto niya, sinusuportahan ko naman siya. Basta palagi ko lang sinasabi na mag-ingat lang siyang palagi."


Isang boodle fight ang inihanda ni Marian Rivera para sa selebrasyon ng 36th birthday ng kanyang mister na si Dingdong Dantes noong August 2.

Kuwento ng Kapuso actress-TV host sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Well, hindi nga ako nag-post kasi gusto kong maging intimate at simple lang.

“Pero naglabas din ako sa Facebook.

“Kasi, nagpaparinig siya na, ‘Gusto ko simple lang, ayoko ng party, ayoko ng surprise. Ang gusto ko, boodle fight lang, simpleng-simple lang.’

“Sabi ko, ‘A, okey. Basta sumama ka na lang, gusto ko tayong tatlo nila Zia ang magla-lunch, tapos sa dinner, with family na lang.’

“Hindi niya alam, sinet ko na ang lunch namin with family lang na boodle fight.”

Sa Pepita’s Lechon daw ginanap ang salu-salo nilang pamilya.

Ayon pa kay Marian, “Kumpleto naman, nandoon ang mga kapatid niya, mommy niya, mga kapatid niya, mama ko, lola ko, asawa ng mama ko, nandoon naman kaming lahat para sa kanya.

“Tapos noong gabi, kumain kaming tatlo... kumain kami sa Shangri-La.”

Isang Lladro figurine ng isang ama na may hawak na bata raw ang naging birthday gift ni Marian kay Dingdong.

“Binili ko ‘to sa kanya kasi nagsisimbolo ng pagiging tatay niya, kung gaano siya ka-dedicated maging tatay.”

BIRTHDAY WISH. Ano naman ang birthday wish niya kay Dingdong?

Sabi ni Marian, “Ang birthday wish ko sa kanya, maging safe siya palagi.

“Kasi ngayon, nagta-triathlon naman siya. Nagba-biking siya.

“Nagwu-worry ako sa kanya.

“Pero lahat naman ng gusto niya, sinusuportahan ko naman siya.

“Basta palagi ko lang sinasabi na mag-ingat lang siyang palagi.

“Sabi ko nga, ako dati, matapang ako, lahat ng sabak, sasabakan ako.

“Pero ngayon, kapag may delikado akong gagawin, magra-ride, iniisip ko, kailangan safe ako dahil hindi puwedeng may mangyari sa akin para sa anak ko.

“Ganun na ang thinking ko.”

Sa Instagram naman ay nagbigay ng mensahe si Marian para kay Dingdong noong mismong kaarawan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN