Jolina Magdangal admires Melai Cantiveros's courage amid marital problems

IMAGE Jolina Magdangal Instagram

Jolina Magdangal on Melai Cantiveros: "Kung anuman ang bini-bash [kay Jason] ng mga tao, wala kang maririnig kay Melai. Asawa yun, ha? At kaibigan kami. Hindi ko siya naringggan ng kahit anumang masama [tungkol] kay Jason. At sobrang hinahangaan ko siya dun."


Bilang kaibigan at co-host ni Melai Cantiveros sa daily morning show ng ABS-CBN na Magandang Buhay, sobrang bilib daw si Jolina Magdangal kung paano nito dinadala ang pinagdadaanang marital problems.

Kung matatandaan, nag-post si Jason Francisco sa Instagram account ng kanilang anak noong July 27 tungkol sa kanilang paghihiwalay ni Melai.

Sa ngayon ay deleted na ang messages na ito, at mayroon na ring bagong username ang IG account ng kanilang anak.

Read: Melason no more?: Jason Francisco writes open letter about split with Melai Cantiveros

Pahayag ni Jolina, “Sa pagkakaalam namin kay Melai, hindi naman ganun kagrabe. Ganun na pala.

“So, parang nakakatuwa lang na ang strong niya.

“Nakakahiya namang hindi maging strong kung ang kaibigan mo ay ganun.

“Pero bilib lang talaga ako kay Melai.”

Pero dagdag niya, “Hindi naman kami puwedeng manghimasok kasi mag-asawa sila, di ba?

“Nandito lang kami bilang kaibigan niya, ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolina sa pictorial para sa Star Magic 24th anniversary na ginanap sa ABS-CBN compound noong July 31.

OBSERVATIONS. May napansin ba sila kay Melai sa show na parang may problema ito o wala?

Ayon kay Jolina, “May nakitaan, pero yun nga, nag-i-start na. May mga bagay-bagay na...

“Pero hindi mo siya makikitaan na parang hindi mo makakausap, hindi. Tuloy pa rin siya.

“Yung kapag nagmi-makeup, parang natutulala minsan, pero tuloy pa rin.

“At saka hindi mo malaman kung puyat o may problema ba, kasi yun yung sunud-sunod na taping siya sa We Will Survive, kaya baka puyat lang, yun ang nasa isip namin.”

Dito nga raw sila sobrang bilib sa grand winner ng Pinoy Big Brother Double Up.

Sabi ni Jolina, “Hindi mo siya makikitaan na, ‘Kawawa naman ako, intindihin niyo ako, hindi muna ako magti-take.’ Hindi, e.

“Very professional siya, very hands-on sa anak niya na lagi niyang kasama ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin pa niya, “And hindi ko nakitaan si Melai na siniraan niya ang asawa niya.

“Na kung anuman ang bini-bash [kay Jason] ng mga tao, wala kang maririnig kay Melai.

“Asawa yun, ha? At kaibigan kami.

“Hindi ko siya naringggan ng kahit anumang masama [tungkol] kay Jason.

“At sobrang hinahangaan ko siya dun.”

INSECURITY. Malaking bahagi raw sa paghihiwalay nina Melai at Jason ang insecurity issue sa parte ni Jason, dahil mas malaki ang kinikita si Melai kaysa sa kanya.

Ano ang masasabi ni Jolina dito?

Saad ng Kapamilya actress-singer, “Sa kuwento ni Melai, hindi niya ako… o hindi lang niya ikinukuwento sa amin.

“Kasi, hindi mo nga makitaan ng paninira si Melai sa kanyang asawa.

“Kaya kahit ano pa mang pamba-bash o anumang mga kuwestiyon, tingnan mo kung ano pa rin ang sinabi niya sa Magandang Buhay.

“Dun siya sa forever niya. Tingnan mo… naiyak din kaya kami nun.

“Kahit nung pinanood ko pa lang, naiyak din ako.

“Kasi kahit anong pamba-bash, kumampi siya sa asawa niya, e.

“Ang hirap nun, ha!”

Ano naman ang opinyon niya sa sinasabi ng mga tao na kung nai-insecure si Jason kay Melai, e, di siya ang mag-hanapbuhay para sa kanilang pamilya?

Saad ni Jolina, “Hindi ko kasi puwedeng i-judge si Jason nang ganun.

“Hindi ko siya kasing close ni Melai. At hindi ko siya nakausap.

“And kung pupunta man siya sa amin, I don't think na mag-o-open up siya sa amin.

“Baka kay Ate Karla [Estrada] pa dahil matagal na silang magkaano, pero ako, nandun lang ako kay Melai.”

Sabi pa niya, “Ako naman, nagsasalita lang ako bilang may asawa't may pamilya, na parang maganda ang ginagawa ni Melai na wala kang maririnig na pangit na nangyayari sa kanila.

“Pero alam mong may dinadala siya.

“So, strong talaga siya na tao, grabe!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN