Benjamin Alves reacts to Piolo-Iñigo Pascual viral photo

IMAGE Noel Orsal

Benjamin Alves: "If someone insults me, okey lang. But when it's people that I love, I have a big problem with that."


Nagbigay ng pahayag si Benjamin Alves tungkol sa pagbibigay-malisya ng ilang netizens sa larawan ng kanyang uncle na si Piolo Pascual kasama ang anak nitong si Inigo na magkayakap habang natutulog.

Saad ng Kapuso actor, “People would say anything just to say something, e, that’s all it is.

“You know, nasabi naman po ni Kuya PJ [Piolo] yun, e, na ngayon pa ba niya papatulan yung ganun?

“And the thing is, you don’t have to explain that.

“You don’t have to think na, ‘A, huwag nating gawin itong picture na ito. Huwag nating i-post ito kasi ito yung iisipin.'

“The moment you do that, talo ka na… kasi naapektuhan ka na kaagad, e.”

ANNOYING. Ikinainis daw ni Benjamin na ginawan ng isyu ang naturang larawan ng nina Piolo at Inigo.

Saad niya, “Because I love them… it’s irritating because that’s my family.

“You love them, you wanna make sure they’re okay.

“Yeah, I find that annoying, pero what are you gonna do about it?

“Hindi mo naman puwedeng habulin yung mga tao, wala ka namang magagawa.

“So you have to think na nakakabuwisit, then let it go, wala ka naman pong magagawa, e.

“But me, as their relative and I love them, of course that’s annoying.”

Kung siya raw ang iintrigahin o sasaktan ay ayos lang kay Benjamin.

“If someone insults me, okey lang.

“But when it’s people that I love, I have a big problem with that.”

Pero hangga’t maaari raw, tulad nina Piolo at Inigo, ay hindi na lang papatulan ni Benjamin ang mga mapaggawa ng kuwento.

“So even if it happens to people that I care about, you really have to control yourself and just be wise.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN