Pregnant Mariel Rodriguez takes time out from her TV shows

IMAGE Mariel Rodriguez Instagram

Mariel Rodriguez is thrilled to join her friends Toni Gonzaga and Bianca Gonzalez in the league of first-time mothers. She says, "Una yung baby ni Bianca, tapos baby ni Toni, tapos ako. Nakasulat talaga na ganun. Pare-pareho kaming mga maybahay and soon-to-be moms."


Dahil sa kanyang pagbubuntis ay hindi muna napapanood si Mariel Rodriguez sa mga show niya sa ABS CBN na It’s Showtime at Pinoy Big Brother Lucky Season 7.

Paliwanag ng TV host, “Nagre-rest muna ako, it’s doctor’s order.

“Since I’ve gone this far naman, susunod muna ako.

“Tsaka si Robin [Padilla, her husband] din… kasi may kaunting ma-feel ako, magpapa-confine ako agad.

“Sabi niya, 'Mahal, pag natatakot ka, mahal, magpahinga ka muna. Pag natatakot ka kasi, nagpapa-confine ka agad, mahal.’

“Praning ako, kaunting ganun, something is wrong.”

Matatandaang dalawang beses nakunan si Mariel bago ang pagbubuntis niyang ito.

Kailan siya magbabalik-telebisyon?

“Hindi ko pa alam, wala pa akong idea,” tugon ni Mariel sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News.

FIRST-TIME MOMS. Masaya namang ibinalita ng TV host na malusog ang dinadala niya ngayon,

“I’m six months now, three more... magalaw siya.”

Kagaya ni Mariel ay buntis din ngayon ang co-host niya sa PBB at kaibigan na si Toni Gonzaga sa panganay nilang anak ng mister na si Paul Soriano.

Pahayag ni Mariel, “I’m very happy for Toni, this is a very exciting time.

“We are entering a new thing, which is motherhood… it’s the most special stage in our life.

“I’m so happy for my friend.

“When she got engaged, I congratulated her. Ang sabi niya, ‘I’m excited to be a wife and a mom.’

“Ang bait ni God, right away binigyan sila ng blessing ni Direk Paul, I’m so happy for them.”

Bago sila ay nauna nang nagbuntis at nanganak ang isa pa nilang kasama sa PBB na si Bianca Gonzalez.

Sabi ni Mariel, “Nagkataon na magkakasunod kami ng edad; si Bianca pinakamatanda sa amin, then si Toni, tapos ako.

“Few months lang ang agwat namin ni Toni, ganun din ang babies namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Una yung baby ni Bianca, tapos baby ni Toni, tapos ako. Nakasulat talaga na ganun.

“Pare-pareho kaming mga maybahay and soon-to-be moms.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN