Jaya refuses to be affected by negative comments over her network transfer

IMAGE Sany Chua

Jaya dares her bashers: "Hangga't hindi nila naisusuot yung sapatos ko at naiaapak yung naapakan ko, hindi nila puwedeng kuwestiyunin yun."


Hindi na iniinda ng Queen of Soul na si Jaya ang masasakit na salitang natatangap nito mula sa kanyang bashers matapos maging usap-usapan ang paglipat niya sa Kapamilya network.

Saad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters, “Ang nagkukuwestiyon lang naman, e, yung mga nasa Twitter.

“Not very important na isipin at i-stress ko yung sarili ko sa mga walang katuting na comments.

“They don't know, they've never been in the network industry, they've never been dito sa trabaho na ito.

“Hindi nila alam yung pressure, ke sikat ka o hindi, there's always pressure in this business.

“So, hangga't hindi nila naisusuot yung sapatos ko at naiaapak yung naapakan ko, hindi nila puwedeng kuwestyunin yun.”

Inamin ni Jaya na nasasaktan siya sa tuwing makakabasa ng hateful comments, pero kalauna'y natutunan na lang daw niya itong tawanan ang mga sinasabi ng bashers.

Saad ng 45-year-old singer, “When someone says hateful words, kahit kanino, kahit sa inyo, masakit.

“But siguro sanay na kami, sanay na kami na may nagsasalita na hindi naman nila alam kung ano yung pinanggagalingan ng sinasabi nila.

“Kasi hindi nila alam yung pinanggagalingan ng mga desisyon namin bilang singers, artista, what not.

“But yung first week na yun, grabe, gusto kong ipakita sa mga kaibigan ko, 'Ito, ang taray! Echoserang frog ito.'

“Ito daw, 'yan na daw ako, ayan na ako bilang isang tao.

“Then it became parang ano, nagtatawanan na lang kami, 'Talaga yun na yung opinion nila?'

“But it doesn't matter to me.”

Hindi naman daw maiwasan ni Jaya na hindi basahin ang mga negatibong komento sa kanya, lalo't madalas ito ang unang nababasa niya pagbukas ng kanyang social media accounts.

“Wala akong choice, kasi pagbukas ko minsan, 'Ay, ano daw? P.I. daw ako, nakakaloka!'

“Ang alam ko J-A-Y-A ako, di ba? Naloloka ako sa kanila... yung mga nagtu-talkies ng ganun... block and delete.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“BND ang title ko nga.”

Saad pa niya, “The opinion of the ones who know what goes on in the business, mas importante sa akin yun.

“Tinatanungan ko yung mga friends ko na twenty-five years ko na yatang kasama, sila yung mga tinatanong ko.

“Like Regine [Velasquez], If I tell her something, she gives it to me straight, [and] Ogie [Alcasid].

“These are the people, and yung ibang back-up singers na friends ko rin.

“I tell them straight up, 'Ito yung feelings ko, ano bang gagawin ko?'

“And they tell me, 'Ito siguro para lang ano, ganyan.'

“Alam ko kung sino mga lalapitan ko, that's why I'm not so scared anymore and hindi na ako nasasaktan sa mga sinasabi nila.”

LOYALTY. Isa sa mga isyung ipinupukol kay Jaya ay ang loyalty nito sa pinanggalingang network, ang GMA-7.

Halos dalawang dekada ring nagtagal sa GMA Network si Jaya ngunit wala raw siyang kontrata.

Aniya, “In GMA, I never had a contract, eighteen years.

“Let's talk about loyalty, I'm loyal to the point na talagang nandun lang ako, e, I really stayed there.

“And with ABS, with or without a piece of paper, I'm going to have to put my faith and trust on Cornerstone on that.

“I'm pretty sure things can change, hindi lahat set in stone, ang dami pang puwedeng mangyari.

“And I'm definitely, definitely open to doing more and bigger things with ABS.”

Hindi naman daw ito malaking isyu kay Jaya dahil masaya siyang naging bahagi ng Kapuso network.

Saad niya, “It doesn't have, we don't have to have a contract.

“Siyempre may project contracts ka, just like with GMA dati, puro show contracts.

“I was never offered a network contract and that was okay with me because I was happy anyway.

“Hindi naman ako reklamador, hindi naman ako nanghihingi at naghihintay ng langit at lahat ng mga palamuti sa paligid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay lang sa akin, but I really worked hard.

“I enjoyed my years there but this one, I'm really leaning on the help of Cornerstone.”

Malaki ang pasasalamat ni Jaya dahil nabibigyan pa rin siya ng proyekto sa kabila ng maraming bagong talento ang nadidiskubre sa panahon ngayon.

“There are young talents coming in and out of the doors of all networks.

“And for us, we are so blessed to even be doing this, this presscon, talking about my new beginning in another network.

“I was very loyal because I was there. Nandun yung trabaho, e, nung time na yun. It called for me to be there.

“Loyal, yes, siguro I was just kind of waiting for more things to happen, but when it didn't, it was okay.

“Hindi ka puwedeng mag-expect ng OA.

“It's just a matter of hanggang saan lang ba yung pisi mo.

“And after that, when another opportunity comes, 'You want to grab it?' 'Yes, I have children!'”

Sa tingin ni Jaya, hindi naman daw naghu-hold back ang loyalty ng isang artista sa career nito.

Aniya, “Gusto ko rin maka-experience ng something new.

“So yun, hindi siya makaka-hold back if it don't let it hold you back.

“It really depends on the person. For me, walang problema sa akin mag-move on.

“Maraming beses na ako naano e, tumayo, bumagsak, tumayo, bumagsak, tumayo, nadapa.

“Hindi ako takot, at saka with God on my side, I would think this is Him doing this.

“So, this is another way of showing His glory.”

Ngunit inamin ni Jaya na ang kanyang mga katrabaho sa GMA ang isa sa dahilan kung bakit hindi niya naisip na lumipat ng istasyon noon.

Saad niya, “The loyalty that was with me was with the people I was working with, I think that held me back for many, many years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko sila iwan, ayoko baguhin yung paligid ko.

“Sanay na ako paggising ko sa umaga, bihis lang, punta dun, tapos kain.

“Yung kultura, ayoko iwan, more than anything else.

“I really, really didn't want to leave and I was loyal to the people I was working with.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN