Director Deo Fajardo Jr. dies at 78

IMAGE Facebook

Director Deo Fajardo, who helmed Robin Padilla's movies Anak ni Baby Ama and Ang Utol Kong Hoodlum, is dead.


Pumanaw na ang dating direktor at manager na si Deo Fajardo Jr. kahapon, August 6.

Siya ay 78 years old.

Kinumpirma ito kahapon ng reporter na si Roldan Castro sa pamamagitan ng Twitter.

Naibalita sa column ni Jobert Sucaldito sa Bandera noong Huwebes, August 4, na isinugod si Direk Deo sa ICU ng Philippine Heart Center at medyo kritikal daw ang kundisyon nito.

Ngayong umaga, August 8, ay nag-post din ang action star na si Robin Padilla sa kanyang Instagram account tungkol sa pagpanaw ng direktor.

Hindi man inilagay ni Robin ang pangalan ng direktor ay nakalagay naman sa location nito ang “Deo J,” na tumutukoy sa direktor na ang buong pangalan ay Deo J. Fajardo Jr.

Matatandaang si Direk Deo, o mas kilala bilang Dikong sa showbiz, ang siyang naka-discover kay Robin at dati ring nag-manage sa career nito.

Kilala rin si Direk Deo sa pagdidirek ng mga pelikulang pinagbidahan ni Robin gaya ng: Anak ni Baby Ama (1990), Ang Utol Kong Hoodlum (1991), Miss na Miss Kita: Ang Utol Kong Hoodlum 2 (1992), at Hari ng Selda: Anak ni Baby Ama 2 (2002).

Siya rin ang nag-direk ng ilan pang action films tulad ng Noel Juico: Batang Kriminal (1991), Blue Jeans Gang (1992), at Hatulan Bilibid Boys 2 (2002).

Sa St. Peter’s Memorial Chapel sa Commonwealth Ave., Quezon City nakaburol ang mga labi ni Direk Deo.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN