Derrick Monasterio shrugs off issue that he is using Jessy Mendiola for publicity

IMAGE Noel Orsal

Derrick Monasterio on possibility of courting crush Jessy Mendiola: "Siguro po, kung pareho kaming single. At kung okey lang sa kanya ang mas bata sa kanya. Bahala na po, siguro, pero sa ngayon, wala pa po yun. Siguro, focus muna talaga sa career."


Hindi raw alam ni Derrick Monasterio kung paano siya haharap kay Jessy Mendiola simula nang aminin ng Kapuso young actor na crush niya ang Kapamilya actress.

Wala rin daw kasi siyang alam kung ano ang reaksiyon ni Jessy, na parang ngayon daw nararamdaman ni Derrick ang hiya matapos niyang i-reveal ito.

Saad ng binata, “Sana hindi niya nababasa yung mga write-ups.

“So, ano, awkward ako. Kung magkita kami, mahihiya siguro ako.”

Matagal na raw niyang hindi nakikita si Jessy, pero may isang pagkakataong nagkatagpo na sila.

Kuwento ni Derick, “Nagkita na kami noon sa Bench pictorial, pero nahiya talaga akong lumapit sa kanya.

“Kahit nga gustung-gusto kong mag-selfie sa kanya, nahiya talaga ako.

“Jessy Mendiola kasi siya, e.

“Alam niyo yun, may ganun tayong feeling lalo na’t alam mong crush mo yung tao.”

Sa susunod na magkita sila ni Jessy, ano kaya ang magiging reaksiyon niya?

Aniya, “Siguro, mag-i-smile lang ako.

“At saka siguro magpapakilala rin po ako.

“Deep inside, itatago ko na ang saya, pero... yun, di ko ipapahalata.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa surprise birthday party na inihanda ng kanyang mga tagahanga, na ginanap sa Tri-Media Office, sa E. Rodriguez, Quezon City, nitong August 6.

POSSIBILITIES. Ito bang pagkagusto niya kay Jessy ay puwedeng umabot sa panliligaw niya rito, kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataon?

Tugon ng 21-year-old hunk, “Hindi, crush lang po yun.

“At saka, mas may edad siya sa akin, at may personal life po 'ata siya ngayon.

“Tipong happy crush lang yung crush ko sa kanya.

“Yung tipong wallpaper ng phone mo, ganun lang... di po, joke lang!”

Isa nga raw sa dahilan kung bakit crush ni Derrick ang rumored girlfriend ni Luis Manzano ay ang kaseksihan nito.

Kahit iniintriga si Jessy tungkol sa malaking hita nito.

Pagtatanggol naman ni Derrick, “Sexy yun, yun ang bagong sexy ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag payat kasi, parang walang dating sa akin.

“Pero pag ganun, yun ang sexy sa akin.”

Hindi kaya dahil sa paghanga niyang ito kay Jessy ay malagay na naman siya sa alanganin?

Baka maakusahan siyang nakikisakay o ginagamit lang si Jessy para sa publisidad?

Sabi ni Derrick, “Ganun naman po lagi, yung laging may masasabi sa iyo ang mga tao, so ano, basta ako, nagpapakatotoo lang po ako.

“Wala po akong... ganun, basta, ganun.”

Paano kung may pagkakataong puwede niya itong ligawan, gagawin ba niya?

Nangingiting sabi ni Derrick, “Siguro po, kung pareho kaming single.

“At kung okey lang sa kanya ang mas bata sa kanya.

“Bahala na po, siguro, pero sa ngayon, wala pa po yun.

“Siguro, focus muna talaga sa career.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN