Ogie Alcasid says network transfer is possible after contract with TV5 expires this August

IMAGE Noel Orsal

Ogie Alcasid says he has no regrets about transferring to TV5 three years ago. The singer-songwriter is still pondering on his next career move and added that transferring to ABS-CBN or returning to GMA-7 is possible.


Pagkatapos ng tatlong taong pagiging Kapatid artist, mag-e-expire na ang kontrata ni Ogie Alcasid sa TV5 sa darating na August 18.

Ngunit wala pa raw malinaw na plano ngayon kung mananatili pa siya sa TV5 o lilipat ng ibang network dahil hindi pa nila napag-uusapan ng kanyang manager.

Pero masaya raw si Ogie na kahit nasa poder siya ng Kapatid network, nagagawa niyang makapag-perform sa shows ng ibang TV networks.

“Kasi I also do a lot of things with GMA and recently lumabas ako sa ASAP for Ryan Cayabyab [tribute].

“And then, sa GMA, lumalabas din ako.

“Thankful naman ako sa network ko na hindi nila ako nire-restrict.”

Dagdag pa ng singer-songwriter, “Let’s face it, wala din naman kaming programs ngayon [sa TV5].

“I only have Happinas Happy Hour. Yun lang yung show namin and wala kaming ibang content kung saan ako puwedeng lumabas.

“So, naiintindihan din naman nila yung Ogie is basically a singer.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling miyembro ng media si Ogie sa press conference para sa kanyang upcoming concert, ang Ayokong Tumanda, sa RYU Ramen Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, ngayong Martes, August 9.

Ang concert ni Ogie ay gaganapin sa Music Museum sa August 26 and 27.

OFFERS FROM OTHER NETWORKS. Natanong si Ogie kung mayroon ba siyang offer na lumipat sa ABS-CBN.

Karamihan kasi ng mga dati niyang kasamahang singers sa GMA Network ay nasa Kapamilya network na; gaya nina Jolina Magdangal, Jaya, Kyla, Jay-R, at Jonalyn Viray.

Pero ang misis niyang si Regine Velasquez ay nananatiling Kapuso.

Saad ni Ogie, “Sa totoo lang, may mga naririnig ako, but hindi siya solid.

“So, I still have to talk to my manager about it, saan ba tayo pupunta.

“Ako ngayon, ang focus ko, gusto ko lang tapusin ngayon ang concert.

“Sa ano na lang ako mag-iisip, one by one. Pag patung-patong, nalilito ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero posible ba siyang lumipat?

“Anything is possible. I can even go back to GMA,” diretsahang sagot ng singer-comedian.

Dagdag niya, “But siyempre, ang feeling ko kasi, sa three years being with TV5, we weren’t able to accomplish what we were supposed to accomplish, I for myself.

“Alam niyo naman ang nangyayari.

“So, parang [kung] iiwan ko lang yun nang ganun, there’s a big part of me saying na, ‘Sige pa, baka kaya pa naman.’

“Pero kung di na kaya, kung wala na, di ba, then it’s time to move on.

“I don’t want to base my decision on anything else, but where am I needed most at this point.”

NO REGRETS. Tanong ng PEP, may pagsisisi ba si Ogie sa kanyang paglipat sa TV5?

Tugon niya, “No. It’s not part of my personality to regret anything. Wala akong ganun.

“Mahirap yung may regret. Magkakasakit ka.

“Kailangan lagi kang positive about anything you decide on. Buong puso mo.”

Ayon pa kay Ogie, may mga pagkakataon talaga na mabibigo ang isang tao.

“Of course, you fail. It’s part of it.

“I think if you embrace failure better, parang mas magandang tanggap ka na di naman laging okay.

“Embrace mo na papalpak ka rin, e. And that’s life. Ups and downs, ups and downs.

“Pero ako, ang attitude, sobra kasi akong thankful. Appreciative sa lahat.”

Biniro rin si Ogie kung bakit hindi na lang siya bumalik sa GMA.

Sagot niya, “Hindi naman ganun kadali yun.

“Malalaman natin after the concert. May decision na siguro kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN