James Yap on facial features of his new baby: "Ang hina ng dugo ng exotic. Authentic na Italyano ang nagwagi!"

IMAGE James Yap Instagram

James Yap on baby Michael James: "Kamukha ni Mic, ang hina ng dugo ng exotic. Authentic na Italyano ang nagwagi!" natatawa niyang pahayag. Pero maliit pa, hindi pa natin masabi. Maiba pa 'to, e."


Masayang-masaya si James Yap nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos niyang i-post sa Instagram kaninang tanghali, August 9, ang litrato nila ng kanyang girlfriend na si Michela Cazzola bitbit ang baby nilang si Michael James.

Isinilang ni Michela ang anak nila ni James kahapon, August 9.

Nasa caption ng post na yun ni James: “Thank You Lord both of them are safe.”

Thank you Lord both of them are safe ???? ???? 8-8-16

A photo posted by James Yap (@jamesyap18) on

Sabi ni James nang tawagan ng PEP kanina, “Sobrang saya. Sobrang sarap. Dito na nga ako natutulog.”

Ayon sa PBA player, matagal ding nag-labor si Michela bago nito iniluwal ang baby nila kagabi, bandang 6:55 P.M., sa St. Luke’s Global sa Taguig City.

Normal delivery raw ito kahit medyo nahirapan ang Italian girlfriend niya.

Kuwento ni James, “Eighteen hours siya nag-labor.

“Three nights din kami dito sa hospital, e.

“Pumasok kami ng Saturday night [August 6], tapos nanganak siya, Monday, 6:55 P.M.

“So, nung Monday ng 2 P.M., hirap na hirap na siya.”

Pero paniniguro niya, “Okay na siya ngayon. Baka until Thursday [August 11] pa siguro kami dito.”

Sabi pa ni James, kamukha ng baby nila ang ama ng Italian girlfriend niya; na parang si Michela rin daw minsan kung titingnan nang matagal.

“Kamukha ni Mic, ang hina ng dugo ng exotic. Authentic na Italyano ang nagwagi!” natatawa niyang pahayag,

Pero bawi rin ni James, “Pero maliit pa, hindi pa natin masabi. Maiba pa ‘to, e.”

JAMES TO WED MICHELA? Nabanggit naman ni James sa isang kaibigan na excited siya sa baby niya ngayon, na tinawag niyang si MJ, dahil ito raw ang anak niyang matututukan niya ang pagpapalaki.

Hindi naman daw kasi niya personal na nasubaybayan ang pagpapalaki sa unang dalawang anak niya; kabilang na si Bimby Aquino Yap, na anak nila ng dati niyang asawa na si Kris Aquino.

Ang panganay na anak ni James ay mula sa dati niyang girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig bang sabihin nito ay magpapakasal na sila ni Michela, kaya nasabi niyang masubaybayan niya ang pagpapalaki sa kanilang anak?

Si Michela na ba ang babaeng gusto niya makasama habambuhay?

Tugon ni James, “Parang ganun na rin siyempre.

“Yung pagpapakasal naman kasi nandiyan naman ‘yan, e.

“Hindi naman kami nagmamadali. Focus muna kami sa baby.”

Pero kung anuman ang mangyari sa relasyon nila ni Michela, alam daw niyang magiging bahagi pa rin siya sa pagpapalaki sa kanilang anak.

“Understanding naman si Mic, e. Talagang aalagaan namin yung baby kahit anong mangyari,” sabi ni James.

Gusto raw ni James na ikuha ng Italian passport ang anak nila ni Michela para maging dual citizenship ito.

ON BIMBY. Medyo alanganin naman si James na sagutin ang tungkol sa kanila ng anak niyang si Bimby.

Pero gusto raw sana niyang maipakita kay Bimby ang kapatid nito.

Aniya, “Sa totoo lang, wala akong chance.

“Saka matagal ko nang hindi nakikita si Bimby, e, mga six months na.”

Sana raw ay magkaroon ng pagkakataong makausap niya si Bimby, at baka gusto raw nitong makita si Baby MJ.

“Anytime, pag gusto niya makita. Sa bahay lang naman.

“Hindi ko lang kasi nasabi nang personal sa kanya na magkakaroon siya ng baby brother.

“Pero wala na tayong magagawa, nandiyan na ‘yan, e.

“So, kung payagan, okay, di ba?” sabi ni James.

Hindi rin diretsahang masagot ni James kung okay sila ni Kris.

Sabi ni James, “Medyo alanganin pa, e.

“Mas okey na walang communication na lang para mas ano… mas tahimik.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN