VP Leni Robredo, Duterte allies oppose Marcos burial in Libingan ng mga Bayani

IMAGE Courtesy: www.dailymail.co.uk

Kaliwa't kanan ngayon ang pagkontra—mula sa mga biktima ng martial law ng rehimen ni Ferdinand Marcos—sa pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaari nang ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang namayapang diktador.


Inuulan ng batikos ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa mga kontra sa pagpapalibing sa dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ito ay matapos panindigan ni Duterte ang kanyang pangako noong kampanya na kapag siya ay mahalal na pangulo ng bansa ay ipalilibing niya ang dating presidente sa Libingan ng mga Bayani.

Ngunit hindi ito ikinatuwa ng mga biktima ng martial law at sa mga nakaranas ng human rights violation sa loob ng dalawang dekadang pamumuno ni Marcos bilang presidente ng Pilipinas.

Sa huling direktiba ng Department of National Defense (DND), itasan nito ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ayusin na ang paglalagakan ng mga labi ng dating pangulo sa sa Libingan ng mga Bayani.


Ang pangunahing himutok ng mga kumukontra sa layunin ni Pangulong Duterte na “nation healing” ay hindi bayani si Marcos kundi isang diktador.

Read: President Rodrigo Duterte reaffirms stand allowing Marcos Libingan burial: 'He's qualified to be buried there.'

“MR. MARCOS IS NO HERO.” Nangunguna sa pagtuligsang ito ang pangalawang pangulo ng bansa na si Leni Robredo.

Si Vice President Robredo ay isang human rights lawyer bago pa man ito pumasok sa pulitika.

Saad niya sa kanyang statement kahapon, August 8:

“We strongly oppose the decision to bury former President Ferdinand Marcos in the Libingan ng mga Bayani.

“How can we allow a hero’s burial for a man who has plundered our country and was responsible for the death and disappearance of many Filipinos?

“Those who have greatly committed crimes and moral turpitude to the Filipino people cannot be buried in the Libingan ng mga Bayani.

“This decision will not bring unity to our country; it will only deepen the unhealed wounds of the survivors and family members of victims of the terrible years under the Marcos presidency.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Furthermore, his heirs continue to deny that these sins against our people happened. They continue to have no remorse and still prevent the return of the wealth that they stole.

“It is our responsibility to teach our children the heroism and sacrifice of our forefathers. And Mr. Marcos is no hero.”

SENATORS. Naghayag din ng kanilang pagsalungat sa isyu ang dalawa sa pinakamalapit na senador kay Pangulong Duterte—sina Senate President Koko Pimentel at Senator Alan Peter Cayetano.

Si Pimentel ay presidente ng PDP-Laban, ang partido ng pangulo; samantalang si Cayetano naman ang naging running mate ni Duterte noong May 2016 elections.

Ayon sa pahayag ni Sen. Pimentel sa media kahapon, August 8, “If I were president, I would not allow it. I don’t consider him a hero.

“Ayun lang, di ako president. We will respect the decision of the President.”

Sabi naman ni Sen. Cayetano, “I have a difference of opinion with the president there.

“I’m just happy he announced it soon, because it is now a public debate and let us hear the opinions of everyone.

“I see the point of the president that if it’s a completely legal issue, he is entitled to it.

“But the name is Libingan ng mga Bayani.

“While he [Marcos] had heroic moments in his life, we do not consider him in totality heroic because of things that happened during martial law.

“Unless we change the name to Libingan ng mga Bayani at Diktador.”

Nauna nang naghayag ng kanyang pagtutol si Senator Kiko Pangilinan sa pagpapalibing sa ama ni dating Senator Bongbong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Read: Sen. Kiko Pangilinan says no to burial of ex-President Ferdinand Marcos at Libingan ng mga Bayani

P15-M SOLID BRONZE CASKET? Dumating na ang kabaong na paglalagakan ng mga labi ni Marcos sa Batac, Ilocos Norte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In-order pa raw mula sa Amerika ang naturang kabaong na nagkakahalaga diumano ng $30,000 o halos P15 million, ayon sa ulat ng politics.com.ph.


Nakatakdang ilibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Marcos sa September 18.

CITIZEN’S ASSEMBLY. Samantala, magkakaroon ng pagtitipon ang mga kontra sa pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Gaganapin ito sa Linggo, August 14, sa Luneta Park.


Nakatakda namang idulog ng ilang grupo sa Supreme Court ang usapin tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN