Juancho Trivino denies competing with former classmate Alden Richards

IMAGE Noel Orsal

Juancho Trivino admits that he's dating now, mostly non-showbiz. Does he prefer non-showbiz girls? Juancho replies, "Hindi naman pero parang less complications na lang din and, siyempre yung private life ko, I would like to keep it private. At saka walang masyadong isyu."


Ngayong leading man na si Juancho Trivino sa afternoon drama series ng GMA Network na Magkaibang Mundo, mas marami na raw ang nakakakilala sa kanya.

Ngunit kaakibat nito ay ang pagsulpot din ng bashers niya.

Pero ayon kay Juancho, hindi siya sumasagot kapag may mga nababasa siyang pamba-bash sa kanya.

Minsan na rin daw siyang na-bash ng ilang fans ng kapwa niya GMA Artist Center talent at Kapuso star na si Alden Richards.

Naging magkaklase sina Juancho at Alden noon sa La Salle Canlubang, sa Laguna.

Saad ni Juancho, “Yun nga, kasi di ba classmates kami before, so parang…

“Since nabanggit nga yun sa mga ibang article, hindi naman maiiwasan na i-compare ako against him.

“So, parang iyon na yung parang nakaka-off sa akin, kasi hindi naman ako nakikipag-compete sa kanya, e.

“I’m on my own in my career, e. Hindi ko naman siya hinahabol or…

“Sa totoo lang, I’m very proud of him nga, e.”

Nauna ng dalawang taon sa showbiz si Alden kaysa kay Juancho.

Ano ang reaksiyon ni Alden nang makita siya nito na artista na rin sa GMA-7?

“Nabigla siya, tapos nag-catch up kami. Sa workshop kami unang nagkita dito sa GMA.”

Ano ang pamba-bash sa kanya ng fans ni Alden?

“Parang, ‘Sino ba ‘tong Juancho na ‘to para ikumpara kay Alden?’ Yung mga ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket presscon nila ni Louise delos Reyes para sa Magkaibang Mundo, sa dining hall ng Studio 7 ng GMA Network Center, nitong Huwebes, August 4.

LOUISE DELOS REYES. Kumusta naman ang samahan nila ngayon ni Louise?

Ayon kay Juancho, “Lumalim yung friendship namin.

“Kasi siyempre halos araw-araw kaming magkasama, e, and lahat ng mga trip, lahat ng mga fun na gawin, nagagawa namin together.

“Like, nagpu-food trip kami, or kapag may mga ganito, after this siguro magko-coffee kami or watch a movie, depende.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lumalabas kami.”

Silang dalawa lang?

“Oo, minsan,” sagot ni Juancho.

Sa itinatakbo ng taping nila ng Magkaibang Mundo, may nadidiskubre pa ba siya kay Louise?

Saad niya, “Ang na-discover ko sa kanya she is very independent.

“She drives on her own, hindi siya nagdadala ng PA [personal assistant].

“E, ako, lalaki ako, hindi ko masyadong kailangan ng PA, pero may PA ako, kasi siyempre para may nag-aasikaso ng stuff ko.

“Si Louise, wala, talo pa niya ako. Wala siyang PA.

“At yun, wala siyang driver.

“Pero kapag sobrang layo nagse-service na lang kami. Nagpapa-drive kami.”

Date na yun, di ba?

Sabi ng young actor, “Hindi naman siya date, pero para sa amin kasi, on a professional level, it’s parang building camaraderie sa aming dalawa.

“Siyempre para walang masyadong ilangan pagdating sa set, so ganun pa lang siya for us.”

SINGLE AT 23. Twenty-three years old si Juancho at wala raw siyang girlfriend ngayon.

Hindi ba siya nahihirapan na at his age ay wala siyang GF?

Aniya, “Hindi naman mahirap kasi siyempre bugbog ako sa work, e.

“So siguro, after this [Magkaibang Mundo], magkaroon na ako ng time to have a relationship. Who knows?”

May nililigawan ba siya?

“Meron akong mga dine-date. Hindi taga-showbiz.”

Ayaw ba niya ng artista ring tulad niya?

“Hindi naman pero parang less complications na lang din and, siyempre yung private life ko, I would like to keep it private.

“At saka walang masyadong isyu,” sabi ni Juancho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN