PBB housemate Elisse Joson speaks up about alleged past romance with James Reid

IMAGE Photo from pinoybigbrother.com

Elisse Joson on alleged past involvement with James Reid: "Wala naman pong nangyari sa aming dalawa. We worked together. We're friends."


Nagsalita na ang Pinoy Big Brother Lucky Season 7 housemate na si Elisse Joson tungkol sa pagkaka-link niya kay James Reid.

Nagkatrabaho sina James at Elisse sa Wansapanataym: My App Boyfie ng ABS-CBN noong 2014.

Dahil sa pagkaka-link ni Elisse kay James, na-bash ang dalaga ng ibang fans ng love team nina James at Nadine Lustre (JaDine).

Lumabas din sa social media ang diumano’y Instagram post ng ina ni Elisse na nagpapakita ng screen grab ng text message ni James sa ina ng PBB housemate.

Base sa text, humihingi ng paumanhin si James sa pag-bash ng kanyang supporters kay Elisse.

Nitong Lunes ng gabi, August 8, nilinaw ni Elisse na magkaibigan lamang sila ni James.

Pahayag niya sa panayam ni Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda, “As much as possible, ayoko na pong isama pa ang pangalan po niya.

“Like I said before, months ago and in PBB, wala naman pong nangyari sa aming dalawa.

“We worked together. We’re friends.”

Binanggit din ni Boy na may mga JaDine fans ang tumawag kay Elisse na "manggagamit" dahil sa pagkaka-link niya sa aktor.

Reaksiyon dito ng newbie actress, “That’s one of the reasons why I joined PBB po.

“Gusto ko pong mapatunayan na kung magkaroon man po ako ng trabaho sa ganitong business, sa showbiz po, gusto kong marating ang parangap ko nang ako lang po, as Elisse.

“Wala pong ginagamit na tao o walang inaapakan na tao.

“Gusto ko po kung makamit ang pangarap ko, ako po ang gagawa nun.”

Sa "Fast Talk" segment ng late-night talk show, natanong kay Elisse ang biggest misconception sa kanya.

Sagot ng dalaga: “Manggagamit.”

PREPARED FOR CRITICISMS. Samantala, sa kanyang Instagram post kahapon, naglagay ng isang mahabang post si Elisse tungkol sa karanasan niyang bilang housemate at ang paghahanda niya sa pagpasok sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Simula niya, “It has always been a dream to be a part of Pinoy Big Brother.

“I tried last year and failed. Now I was given the chance to fulfill my dreams.”

Sinabi rin ni Elisse na nakahanda siya sa pag-ungkat sa kanyang personal na buhay.

“Alam ko po na sa pagpasok sa Bahay ni Kuya, mauungkat ang lahat sa aking buhay.

“Hinanda ko po ang sarili ko sa kung ano man ang pwedeng mangyari.

“Sa pagpasok ko po, maraming bumatikos sa aking pagkatao, marami rin naman pong nagmahal at sumuporta sa kung ano man ako.

“Masayang-masaya po ako sa paglalakbay ko. Marami akong natutunan sa buhay at lalo na sa sarili ko. Naging mas matatag akong tao ngayon.

“Nagpapasalamat ako at nakilala ko ang mga lucky celebrity housemates. They will always have a special place in my heart. Nakahanap ako ng pamilya at kaibigan sa bawat isa sa kanila.

“I hope our friendship grows even more outside the house.

“Maraming Salamat Pbb! Maraming Salamat Kuya! Maraming salamat housemates!

“Maraming salamat sa mga taong nagtitiwala at nagmamahal sa akin!

“Thank you Lord for this opportunity. I am proud to be one of your lucky celebrity housemates!”

It has always been a dream to be a part of pinoy big brother. I tried last year and failed. Now I was given the chance to fulfill my dreams. Alam ko po na sa pagpasok sa bahay ni kuya, mauungkat ang lahat sa aking buhay. Hinanda ko po ang sarili ko sa kung ano man ang pwedeng mangyari. Sa pagpasok ko po, maraming bumatikos sa aking pagkatao, marami rin naman pong nagmahal at sumuporta sa kung ano man ako. Masayang masaya po ako sa paglalakbay ko.. marami akong natutunan sa buhay at lalo na sa sarili ko. Naging mas matatag akong tao ngayon. Nagpapasalamat ako at nakilala ko ang mga lucky celebrity housemates. They will always have a special place in my heart. Nakahanap ako ng pamilya at kaibigan sa bawa't isa sa kanila. I hope our friendship grows even more outside the house. Maraming Salamat Pbb! Maraming Salamat Kuya! Maraming salamat housemates! Maraming salamat sa mga taong nagtitiwala at nagmamahal sa akin! Thank you Lord for this opportunity. I am proud to be one of your lucky celebrity housemates! ?????????? pbbseason7! (insert Jinri, ate cha, and hideo in the photo)

A photo posted by Elisse Joson (@elissejosonn) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN