Philippines is ready to host Miss Universe despite ISIS threat, says DOT

IMAGE Courtesy AP

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang banta ng terrorist group na ISIS na gagawa ng karahasan sa nakatakdang idaos na Miss Universe sa Pilipinas sa January 2017.


Itinuturing ng Department of Tourism (DOT) na seryoso ang banta ng international terrorist group na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na bombahin ang idadaos na Miss Universe sa Pilipinas sa January 2017.

Ito ay ayon sa impormasyong ibinahagi ng SITE Intel Group, base na rin sa video na in-upload ng ISIS social media channel na 'how to create a bomb for Miss Universe.'

Ipinakita sa video kung paano gumawa ng mga sinturong pampasabog para sa mga suicide operation.

Ayon naman sa DOT, handa ang Pilipinas na mag-host ng Miss Universe sa January 2017.

Ito ay alisunod na rin sa ligtas na pagdalaw ni Pope Francis sa bansa, pati na rin ang matagumpay na pagdaos ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit noong nakaraang taon.

Ayon naman sa ulat ng GMA News Online, iniimbestigahan na raw ito ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) intelligence group na mamamahala sa seguridad ng pageant.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN