Jimmy Bondoc denies quitting from PAGCOR post: "I cannot quit something that had not been formalized yet."

by Arniel C. Serato
Aug 11, 2016
Itinanggi ng singer na si Jimmy Bondoc na nagbitiw siya sa kanyang tungkulin sa PAGCOR. Aniya, "The appointment was never finalized because the board had not convened at that time."

Kahapon, August 10, ay lumutang ang balitang nagbitiw na diumano sa kanyang tungkulin bilang AVP for Entertainment ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang singer-songwriter na si Jimmy Bondoc.

Ito ay pagkatapos ng halos isang buwan pa lamang na pagkakatalaga sa kanya sa naturang ahensiya.

Read: Jimmy Bondoc is the newly-appointed AVP for Entertainment for PAGCOR

Ayon sa ulat, napagtanto raw kasi ng singer at avid supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya nababagay sa kanyang trabaho.

Ngunit sa opisyal na pahayag ni Jimmy na ipinadala sa TV5 reporter na si MJ Marfori ngayong araw, August 11, pinabulaanan niyang nag-resign siya dahil hindi naman daw natuloy ang kanyang appointment sa PAGCOR.

Baka daw sa state-owned television network na PTV4 na siya magkakaroon ng bagong assignment.

Saad niya, “The appointment was never finalized because the board had not convened at that time.

“In the meantime, in a conversation with Mr. Bong Go, we considered another post in PTV4, because I might be able to work on larger scale entertainment (like radio or TV shows on the public network) that may help inform people more about the president's platform.

Continue reading below ↓

“Isa lang naman ang purpose ko from the start, which is to support the President and our shared beliefs.”

Tinuligsa rin niya ang mga nagsulat na diumano’y nagbitiw siya sa kanyang trabaho sa PAGCOR dahil hindi man lang daw siya hiningan ng pahayag ukol dito.

Pahayag ng singer, “In short, nothing is final yet.

“All articles referring to this 'quitting' are false, unfounded, with questionable research, and whose writers never asked me for comment.

“I cannot 'quit' something that had not been formalized yet.

“As for me, I am just waiting for word from the President.

“Wherever he needs me, I will gladly oblige.”

Read Next
Read More Stories About
Jimmy Bondoc
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Itinanggi ng singer na si Jimmy Bondoc na nagbitiw siya sa kanyang tungkulin sa PAGCOR. Aniya, "The appointment was never finalized because the board had not convened at that time."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results