Robin Padilla cries foul over use of his name in reports about drug raids

IMAGE Noel Orsal

Tinuligsa ng kampo ni Robin Padilla ang pagbanggit ng kanyang pangalan sa imbestigasyon ng ilegal na operasyon ng droga na nauwi sa pagkapatay ng isang supplier diumano ng droga sa mga artista sa Laguna ngayong araw, August 11.


Inalmahan ng kampo ni Robin Padilla ang pagkabanggit ng kanyang pangalan sa isang operasyon kontra droga sa Laguna.

Ayon sa balita, napatay si Alvin “Vergel” Commerciante sa drug raid ng mga pulis sa San Pedro, Laguna, ngayong Huwebes, August 11.

Si Commerciante ay isa diumanong top supplier ng droga sa ilang showbiz personalities.

Bukod kay Commerciante, napatay rin ang isang kasamahan nito na hindi pa nakikilala hanggang ngayon.

Nahuli naman ang live-in partner nitong si Cristine Padilla, na diumano'y kamag-anak ng aktor na si Robin Padilla.

Sa isang ulat, itinanggi ni Cristine na kasabwat siya sa ilegal na droga na negosyo ng ka-partner.

Ngunit ayon sa isa pang report ng mga pulis, kasabwat daw ito.

Bukod sa mga artista ay nagsu-supply rin daw sila ng droga sa mga mayayamang parokyano.

Sa pahayag na ipinadala ng abugado ni Robin sa TV Patrol ng ABS-CBN ngayong gabi, kinundena nito at itinuturing na "character assassination" ang pagbanggit ng kanyang pangalan sa mga ulat.

Ayon kay Atty. Rudolf Philip Jurado, “Mr. Robin Padilla considers as character assassination the use of his name in reports concerning dangerous drugs, especially when simple investigation would readily reveal that he is not, in any way, connected to controversy.

“He also condemns anyone who uses his name to acquire a favorable treatment in any government office or law enforcement agency.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na nadawit ang pangalan ng aktor sa isang opersayon tungkol sa droga.

Nitong nakaraang May 31, 2016, nabanggit din ang pangalan ni Robin dahil pagmamay-ari diumano nito ang bahay sa Pampanga na ni-raid ng pulisya.

Read: Robin Padilla tagged as alleged previous owner of house in Pampanga drug bust


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN