Aiza Seguerra is incoming National Youth Commission chairperson

IMAGE Rody Duterte on Facebook

Si Aiza Seguerra ang bagong nabiyayaan ng puwesto sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang chairperson ng National Youth Commission. Wala pang pahayag ang singer tungkol sa kanyang appointment.


Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang singer na si Aiza Seguerra bilang bagong chairperson ng National Youth Commission (NYC).

Sa pamamagitan ng official Twitter page ng state-owned television na PTV4 (@PTVph), inanunsiyo rito ang pagkahirang kay Aiza na pamunuan ang ahensiyang tumutugon sa pangangailangan at kapakanan ng mga kabataan.

Wala pang opisyal na pahayag si Aiza tungkol sa kanyang appointment.

Nitong nakaraang administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino, ang aktor na si Dingdong Dantes ay nanungkulan sa NYC bilang commissioner-at-large.

Si Aiza, kasama ang partner nitong si Liza Dino, ay masugid na tagasuporta ni Presidente Duterte simula pa lamang noong kampanya.

Matapos ang eleksyon, kinausap ni Duterte ang mag-asawa upang tulungan siya sa lalo pang paglinang ng sining at kultura sa bansa.

Ang ilan pang Duterte supporters na nabigyan na ng posisyon sa gobyerno ay sina Freddie Aguilar (commissioner, National Commission for Culture and the Arts), Arnell Ignacio (AVP of the Community Relation and Services Department, PAGCOR), at Kat de Castro (Tourism Undersecretary, DOT).

Hindi naman natuloy ang pagpasok ni Jimmy Bondoc sa PAGCOR bilang AVP for Entertainment. Hinihintay pa raw niya kung ano ang maibibigay ng pangulo sa kanyang posisyon sa PTV4.

Read: Jimmy Bondoc denies quitting from PAGCOR post: 'I cannot quit something that had not been formalized yet.'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN