The Voice PH alumna Morissette Amon denies rivalry among ASAP Birit Queens

IMAGE @itsmorissette on Instagram

Morissette Amon on being tagged as a "Sarah G wannabe": "Hindi, hindi na Tito Boy. I'm more honored e. There was a point after The Voice na medyo nasasaktan ako at medyo hindi kasi iyong image ko iniisip ko din."


Walang namumuong rivalry sa Birit Queens ng ASAP.

Ito ang pahayag ng The Voice of the Philippines Season 1 runner-up na si Morissette Amon sa panayam nito sa late night talk show na Tonight With Boy Abunda nitong Biyernes, August 12.

Kasama ni Morissette sa segment ang iba pang Kapamilya singers na sina Angeline Quinto, Klarisse De Guzman, at Jona.

Paliwanag ng Kapamilya singer kay Boy Abunda, "Hindi, Tito kasi well, first of all, yung mga songs namin, ASAP po yung nagbibigay nun.

"So we just take the song, inaaral namin yung sari-sarili naming mga kanta and pinapantayan namin kung ano yung energy ng kasunod naming birit queen."

Ayon pa sa 20-year-old singer, hindi raw ito nakikipagsapawan sa tuwing nagpeperform ang kanyang mga kasama sa segment.

"Siguro Tito Boy, ang puwede ko masabi is pag spot ko, I would give my all. Pero yung time kasi na magme-merge na kami, kasi that's part of the program na kanta and then magme-merge, and then another song, dapat mag be-blend kami."

SARAH G WANNABE? Sa isang bahagi ng panayam, tinanong ni Boy si Morissette kung naaapektuhan ba ito sa bansag ng kanyang bashers na isa siyang "Sarah G wannabe."

Sagot ni Morissette, "Hindi, hindi na Tito Boy."

Patuloy nito, "I'm more honored. e."

Inamin naman ni Morisette na naapektuhan siya noong una ngunit masaya ito dahil marami na ang nakaka-appreciate ng kanyang talento bilang isang performer.

Ani Morissette, "There was a point after The Voice na medyo nasasaktan ako at medyo hindi kasi iyong image ko iniisip ko din."

Dagdag nito, "Ngayon, I'm happy because people are starting to accept me also."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN