Mariel Rodriguez and Robin Padilla are expecting a baby girl!

IMAGE Nerisa Almo

"Noong nalaman ko na girl, alam mo, I realized na the baby is for me, kasi God knows na girl naman talaga ang gusto ko," said Mariel Rodriguez when asked about her reaction upon knowing the gender of her baby with Robin Padilla.


Masayang inanunsiyo ng mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla ang kasarian ng kanilang magiging unang anak sa special “gender reveal” event na ginanap kahapon, August 13.

Isang baby girl ang inaasahang isilang ni Mariel sa November.

“I was really happy,” sabi ng It's Showtime host nang tanungin sa naging reaksiyon niya nang malaman ang kasarian ng kanyang magiging anak.

Patuloy niya, “I'm also happy if it was a boy.

“Tapos nung nalaman ko, sobrang iba pala yung feeling. Masaya din ako na girl.

“Dati, the reason why I wanted a boy, kasi marami nang girl [na anak] si Robin.

“Noong nalaman ko na girl, alam mo, I realized na the baby is for me, kasi God knows na girl naman talaga ang gusto ko.”

Sa parte naman ni Robin, maligaya raw siya kahit ano pa man ang maging kasarian ng kanilang anak.

Ang importante raw, “Maging normal, yun naman ang ultimate wish ng lahat.”

Ito rin daw ang hiling ni Mariel sa kanyang kaarawan na ginanap din kahapon.

Kasabay rin ito ng kanilang ika-anim na taong annibersaryo bilang mag-asawa.

Sabi niya, “Sa birthday ko, my only wish, I really wish is we have a healthy baby. Sa lahat ng mga nagpe-pray, thank you talaga.”

May naisip na raw silang pangalan para sa kanilang magiging anak. Pero sabi ni Mariel, sa baby shower na lamang nila ito ipapaalam sa publiko.

Watch: @marieltpadilla and @robinhoodpadilla reveal gender of their baby!

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) on

FUN PREGNANCY. Sa kanyang ika-anim na buwang pagbubuntis, nararamdaman na raw ni Mariel ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Aniya, “The pregnancy is fun.

“It's not an easy pregnancy. It's not a regular pregnancy.

“For me, I'm still blessed. It could've been worse.

“Medyo may mga challenges at saka matrabaho siya.

“Pero masaya naman kasi nararamdaman ko na yung baby ko na gumagalaw.

“Mas happy ka kasi alam mo na yung life niya, nandun na talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Watch: Mariel Rodriguez: “Magaling magturok si Robin, experienced!”

Ngayon pa lang daw ay naghahanda na sina Mariel at Robin sa pagdating ng kanilang anak.

Isa sa kanilang pinaghahandaan ay ang paraan ng panganganak ni Mariel.

Sabi ng TV host-actress, “Water birth ang gusto niya [Robin] talaga.

“I just don't know if I can because of my situation. We will try our best.”

Dagdag naman ni Robin, “Sa ngayon, i-entertain muna natin.

“Sa ngayon kasi, nakikipag-ugnayan din siya sa mga organisasyon na may kinalaman sa ganun, mga natural ways. Nag-seminar na nga siya, e.”

Sa ngayon, excited daw si Robin sa kanilang magiging unang anak ni Mariel.

Sabi ng action star, “Ako, sabi ko nga sa kanya, basta normal.

“Kanina nakita ko na agad na maliit na siya, maliit na Mariel.

“Doon ako excited ngayon, kung ano ang magiging hitsura nila. Ang galing!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN